Sa bawat pagmulat,paggising ng maagap
Di na 'ko babangon,aahon
Hanapin ang phone, para sa iisang app
Kung saan ikaw at ako ay malayang nakakapag-usapHanggang sa isang ngiti na lang dahil mahirap magpanggap
Dahil hindi na ikaw sa'king isipan ang bumabagabag
Sa puso ko madali ka ng matagtag
Sa bawat ala-ala madali na lang ilaglag
Itapon sa basurahan,dalhin kung saan man.Ganun pala kapag...
Hindi na sayo yung pinakahihintay kong mga reply
Hindi na ikaw yung babaeng gusto ko laging makasabay
Hindi na ako matatakot ako,malulungkot na marinig mula sayo ang salitang GOODBYE
Hindi na ikaw yung babaeng pinangarap kong bigyan ng yakap at mahigpit na hawak sa kamay.Hindi mo na maririnig ang aking pasasalamat
Dahil hindi na ako magrereply, sa text o sa chat
At hindi ko man lang naisip na gawin kang pamagat
Nitong pinakasinungaling na tulang naisulat.Credits to the real owner.
@J.R.B
Hehehehehehehe❤❤❤
![](https://img.wattpad.com/cover/225701691-288-k511928.jpg)
BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
RandomReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham