Gusto kong tumigil minsan sa paghihintay
Gusto kong wag sagutin minsan ang 'yong mga reply
Gusto kong mainis,magalit at magtampo
Pero di ko magawa,naduduwag ako.Walang lakas ng loob para sabihin sa'yo
Natatakot na muli ako'y iwasan mo
Gusto kong sabihin kung anong totoong nararamdaman ko
Pero mas pinipiling itago para walang magbago.Sa bawat minutong lumilipas,unti-unti'y pipikit ang mga mata
Pero muling didilat, baka may mensahe ka
Lima o sampung segundo, matiyagang naghihintay ako
Hanggang isang oras, wala na, tulog na 'to.Gusto kong mainip para di na kita hihintayin
Gusto kong makatulog bigla sa isip ko'y sandali kang aalisin
Pero di ko magawa dahil di kita kayang tiisin
Ang bagay na sayo'y mukang madali, para sa aki'y napakahirap gawin.Gusto kong aminin pero mas mabuting wag na muna
Gusto kong ako'y suyuin pero bubulong pa ng maraming sana.
Gusto kong wag magparamdam para ako naman ang alalahanin
Gusto kong ikaw naman yung maghahanap sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/225701691-288-k511928.jpg)
BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
De TodoReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham