Mahirap labanan ang sarili, nakakaubos, nakakapagod
Hindi mo malalaman kung kelan ka ba talo o kung kelan ka panalo
Mahirap mamili kung sasalungat ka ba sa agos o magpapaanod
Hindi mo alam kung magiging katapusan na ba o meron pa ring kasunod.Hindi na magawang lumuha ng mga mata dahil tila naiga na
Hindi na rin magawa ng labing makabigkas pa ng mga kataga
Nahihirapan na ang isip na iproseso ang mga salita
Hindi na matantya kung alin ang mali at alin ang tama.Nakaririndi ang ingay na dulot ng katahimikan
Nakakapanginig ang sobrang lamig sa sariling kanlungan
Nabasa na ang lahat ng kumot at unan sa bawat pagluha
Subalit di pa rin nawawala ang pagod kahit sa pamamahinga.Huwag sanang pagsuko ang maging bunga ng mga sakit
Huwag sanang pagkawala ang maging solusyon sa mga pasakit
Huwag sanang pagkaubos ng hininga ang maging bagong simula
Pigilin sana ang sariling tapusin ang ibinigay na kabanata.

BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
SonstigesReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham