12. Ngayon at Bukas

12 5 0
                                    

Sa simpleng usapan na tila ba walang katapusan
Sa walang hanggang banat na hindi mabigkas ng harapan
Sa bawat tanong na hindi mabigyan ng siguradong kasagutan
Naroon ang pag-asa na baka pwede pero meron ding pag-aalinlangan.

Sa  ngayo'y sigurado pero paano bukas at sa mga susunod pa?
Nakakatakot dumating sa puntong may makilala kang iba.
Sa ngayo'y ayos tayo pero paano sa isang araw, sa isang buwan
Ang sakit isiping kamay na ng iba ang nais mong hawakan
Sa ngayon tayo'y masaya pero paano sa mga susunod na taon?
Nakakatakot isipin na pansin mo'y sa iba na nakatuon.
Sa ngayo'y sigurado pero paano bukas at sa mga susunod pa?
Masakit sa'kin ang makita kang may minamahal ng iba.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon