Nalalanghap ko na ang sariwang hangin
Malayo na ang nararating ng bawat tingin
Hindi na limitado ang pagkilos, ang paggalaw
Wala na yung bigat, mula sa iyong pagbitawNawala na ang gapos, ang tanikala ng kalungkutan
Natapos na ang pag-agos, hindi na gabi-gabing luhaan
Magaan na ang paghinga, wala na yung mga bakit
Mahimbing na ang pagtulog, hindi na ikaw ang naiisip bago pumikit.Hindi na umaasa, natapos na rin ang pag-alala
Hindi ka na hinahanap o binabalak na magambala pa
Nakalaya na puso sa bigat, sa pagsisisi at sa lungkot
Hindi na muling nagtatanong, nag-iisip ng baluktotNgunit sa sobrang gaan, tila'y lumulutang ako kung saan
Blangko ang pakiramdam, tila nawalan ako ng patutunguhan
Nakalaya ako subalit bakit parang may nais tumutol?
Bakit ang tali nating nilagot ng tadhana, nais ko muling ibuhol?
BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
CasualeReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham