Marahil ito na ang totoong umpisa
Na kung saan kailangan munang may matapos na istorya
Siguro ito na ang panibagong kabanata
Pero hindi na ikaw at ako ang bida.Sinubukan naman nating magpatuloy subalit nalagyan na ng tuldok.
Nabigyan na ng katapusan, hindi na aayon kahit pilit na isuksok
Ang mga salitang magdudugtong upang walang maputol
Para walang masayang na panahon, hindi masayang yung oras na ginugol.Sino ba ang may gusto na sapitin natin ang wakas?
Sino sa ating dalawa ang nagnanais na kumalas
Kasi sigurado akong hindi ako, pero duda akong ikaw
Kasi sabay naman tayong nangarap pero bakit may bumitaw?Nananatili akong nakatitig sa aklat, sumusubaybay sa istorya
Hindi ko mahanap ang mga sagot sa tanong, tila may sikreto pa.
Hindi ko nais na na malaman, hindi ko nais na matuklasan
Na wala sa atin ang nais bumitaw, dahil hindi naman talaga tayo nagtagpo kahit saang pahina.

BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
De TodoReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham