41.

2 0 0
                                        

Nakakapanibago ang lamig.

Nakakasilaw ang liwanag.

Inaantok sa himig.

Pero ginigising ng bagabag.

Nalalapit na naman ang pagtatapos.

Bubungad muli ang panibagong taon.

Subalit puso'y di makakilos.

Nakagapos pa sa ating panahon.

Sandaling pipikit, mabilis magbabalik.

Hindi nabura ang mga ala-ala,nanatili.

Mga patak ng luha sa pisngi'y hahalik.

Taon man ang lumipas, sariwa pa rin ang hikbi.

Ikaw yung nangako,pero sakit yung naiwan.

Nawala sa tyempo, lumayo at bumitaw.

Hindi tayo umurong, nanatili sa pagitan.

At sa gitna ng pag-asa, saka ka umayaw.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon