Tila isang bolang kristal na nagniningning
Ikaw ang nagsilbing tanglaw sa kadiliman
Yaring pagsapit ng dilim, sabik na ika'y masilayan
Matanawan ang angking ganda kahit sa malayuan.Sa kabila ng libo-libong bituin na patuloy na nagniningning
Nanatiling nakapako sa'yo ang aking paningin
Hindi mawari sa paanong paraan kita aabutin
Dahil malayo ang distansya, imposible kang maangkin.Nakaupo sa may bintana, nakatanaw sa kalangitan
Inaabangan ang 'yong pagdating, sabik kang masilayan
Kahit pa minsa'y hindi ka buo, at madalas nasa malayo
Mananatiling kuntento ako, nakatingin at nakangiti sa'yo.Kagaya ng buwang nagsisilbing liwanag ng karamihan
Ikaw naman ang nagsilbing direksyon ko sa kung saan
Nakakatakot mahulog sa patibong ng kadiliman
Dahil maaaring pagdating ng araw, ako'y iyo ring iwanan.
BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
RandomReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham