21. Sa Isang Tabi

9 5 0
                                    

Tila napakahirap sambitin ng mga simpleng salita
Napakahirap sabihin ng mga duda't paghihinala
Kinikimkim at sinasarili ang bawat sakit at lungkot
Umiiyak ng tahimik sa ilalim ng malambot na kumot.

Ang hirap masaktan ng patago at mag-isa
Walang magawa kundi pilit na tumawa
Isinasantabi ang totoong nararamdaman
Dahil natatakot malamang wala naman itong patutunguhan.

Mga mata'y luluha pero agad na pupunasan
Pagtatampo sa iyo'y agad na ring kinakalimutan
Binabalewala ang 'yong pambabalewala
Natatakot na baka sa aki'y tuluyan ka ngang mawala.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon