15. Gala

12 5 0
                                    

Tuwa't kilig ang siyang agad na nadama
Nang sandalig masilayan muli ang ganda ng 'yong mga mata
Hindi alam kung pa'no ka lilingunin
Takot na baka mahuli mo akong nakatangin.

Naglalakad sa plaza pero hindi magkasabay
Natatakot tumabi sayo't magkadikit ang ating mga kamay
Sa ilalim ng init ng pagsikat ng araw
Lamig ang naramdaman ko dahil kasama ko'y ikaw.

Natutuwa ako kapag tumatawa ka
Nagagalak kapag nakikita kang masaya
Mga halakhak mo'y kay sarap pakinggan
Pero ayaw kong ipahalata kaya ayaw kang tingnan.

Sa maikling oras na ibinigay, pakiramdam ko'y sulit na.
Sa maghapong pag-upo, hindi nainip dahil kasama ka
Ang espesyal na araw ay mas naging espesyal pa
Sana'y maulit muli,yung tayo na lang dalawa.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon