Totoo pala na darating sa puntong mapapagod kang humiling
Hindi dahil walang dumarating
Kundi dahil lahat ng dumarating, umaalis rin
Pagkatapos kang patawanin, pagkwentuhin at pakinggan
Magigising ka na lang, namamaalam na,lilisan.Totoo palang darating sa puntong masasabi mo na sana hindi na lang
Kung hindi naman talaga, kung wala naman pala
Dahil simula pa lang, kahit alam mo nang hindi sigurado
Susugal at susugal ka pa rin sa pag-asang baka meron, baka pwede pa
Kahit ibinibigay na yung sagot na hindi, wala na talaga.Totoo palang darating sa puntong mapapagod kang magtanong
Kung alin ang mali? Saan nagkulang?
Dahil makikita mo hindi ang kakulangan
kundi ang sapat na tila naging labis
Dahil hindi tugma, hindi tama, hindi maaari
Umaapaw, hindi mapipigilan, kaya kumakawala
Kaya nawawala.At totoo pa lang darating ka sa puntong dahil mali, tama na.
Na yung akala mong wakas, bagong simula pala
Iba na, wala na siya, simula para sa sarili, hindi sya kasama
Dahil may bumitaw, may umayaw, may hindi nagpatuloy
Mayroong lumayo, may nanahimik at nagsawalang-kiboDarating yung pagkakataong ititigil mo na ang paghakbang papalapit sa iyong "sana"
Dahil hindi naman siya tumigil sa paglayo dahil nagsawa
At darating ang sandaling ikaw na yung bibitaw ng kusa
Sa kamay niyang pilit nyang hinihila dahil gusto nang makawala.

BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
AcakReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham