Chapter 8: I Saw Something!
Aeiou's P.o.V
"Ouch. 'Wag mo namang diinan." bwiset na daing ni Christoff.
Kasalukuyan kaming nandito sa room namin nila Betriz. Ginagamot ko 'yung labi ni Christoff. Pagkatapos ko kasi mag-walk out, sinundan niya ako.
"Sorry nga pala, kasi nadamay ka pa sa mga bintang nila sakin. Ewan ko kung bakit kailangan nilang mandamay. Pwede namang ako lang." pagpapaumanhin ko.
"Ok lang 'yun. Hindi naman ako nasaktan kasi alam ko naman na hindi talaga tayo ang may gawa nito. Nabalitaan ko nga pala 'yung ginawa nila Betriz. Ok ka na ba?" nag-aalala niyang tanong sakin.
"Oo. Tsaka ginawa lang naman nila akong halo-halo. Wala nang iba." matawa-tawa kong sabi.
Tinanguan na lang niya ako at ngumiti kahit na bakas na bakas sa mukha niya 'yung pag-aalala. Hindi ko na sinabi 'yung tungkol sa pag-sikmura at panununtok ni Desiree baka mag-kagulo pa lalo. Wait.... naalala ko kasi 'yung sinabi ni Christoff kanina. Ano nga 'yun? MY AEIOU?!
"Oh, lalim 'ata ng iniisip mo?"
Napalingon ako sa nag-salita. Nasa tabi ko papala si Christoff. Tatanungin ko ba? Parang feeling ko magiging awkward, eh.
"A-ahh.... w--wala. Una na ako." nauutal na sabi ko at tumayo na.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng hawakan niya 'yung wrist ko. Napalingon ako sakanya.
"I saw something in your picture. Meron pang isang bata sa likuran niyo at nakatingin ng sobrang masama. I have a bad feeling. Parang kilala niya kayo. Pero, sino siya?"
Naalala ko 'yung picture 'dun sa cabin ni Xyrus. It's the same picture. Parang iisang camera lang ang ginamit. Hindi ko naman din pwedeng i-suspect si Xyrus kasi wala pa akong sapat na ebidensya.
"Christoff, I--I saw something too. 'Yung sa cabin, parehas na parehas 'yung picture sa picture frame ni Xyrus at sa box ko. Sana mali 'yung iniisip ko ngayon." nakayuko kong sabi sa harap niya.
"What?! Meron siyang picture na ganun?! Sana hindi siya konektado dito!" sabi niya habang nakahawak sa sintido.
Pinuntahan ko 'yung box na nakapatong sa kama ko at binuksan. Tinignan ko 'yung likuran ng dalawang bata at tama nga ang sinabi ni Christoff. Someone's starring at Xylan and Red. Tinignan ko 'yung ibaba ng picture at nakita ang isang sulat.
'August 20, 2001'
I--It's my birthday! August 20 is my birthday!! Paano 'to nasulat dito? Ibig sabihin, kasing tanda ko lang silang dalawa. Tumingin ako sa bintana. Nabitawan ko ang litrato ng mabasa ang naka-sulat sa papel na nakadikit sa bintana.
'August 20, 2001'
"Hey, Aeiou! Ok ka lang?" tinignan niya ako ng may pag-aalala sa mga mata niya.
"Alam niya kung kelan ang birthday ko. Alam niya lahat ng tungkol sakin. Hindi ko siya matatakasan. Lagi niya akong sinusundan. Everyday, everynight, every second, every minute and everyhour. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Baka isunod niya tayo?!" para na akong baliw na naka-upo dito sa sahig.
"Hindi 'yan, Aeiou. Basta, nandito ka lang sa tabi ko, magiging ok ka. Think positive, Aeiou. Matatapos din 'to." pagkatapos ay niyakap niya ako.
Sana nga, tama siya. Sana nga, matapos 'agad 'to. Kung hindi, magiging tuluyan na akong baliw.
Tina's P.o.V
Mag-isa lang akong nag-lilibot dito sa resort. Paano na lang kung malaman ng magulang niya na patay na siya? Baka palayasin niya kami? Kasalanan 'to lahat ni Aeiou. Sana hindi na lang siya nag-transfer. Sana, wala na lang siya sa buhay namin!
Napatigil ako sa pag-lalakad ng marinig ko ang mga yabag. Someone's coming! I need to hide. Dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking bato. Andiyan na siya. Nakita ko siyang naka-suot ng suit at may face mask. He's looking for something--- or should I say, someone. Napababa 'yung tingin ko sa kamay niya, he's holding a meat cleaver!! Ta--tama nga si Aeiou. Hindi siya ang pumapatay.
"Argh! Natakasan pa ako. Bwiset!" narinig kong sabi niya.
Tumigil siya sa paghahanap at hinubad ang suit at ang face mask. Meron siyang pangalawang damit. Umangat ang tingin ko at nagulat sa nakita. He--he's the killer?! Bakit? Bakit niya nagawa 'to? Nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan siya. This will be used as an evidence. Umalis na siya at iniwan ang meat cleaver. Naiwan akong nakanganga. No, this can't be happening. I need to tell this to everyone.
Tumakbo na ako ng mabilis papunta ng cottage. Sana paniwalaan nila ako.
Aeiou's P.o.V
Tahimik kaming kumakain. Wala si Christoff. Sabi niya, mag-iimbestiga daw siya. Si Xyrus wala din. I don't care about him.
"GUYS!!!"
Napatigil ako sa pag-subo ng kanin. Sabay-sabay naming nilingon kung sino 'yung sumisigaw. It's Tina.
"Hay nako, Tina. Muntik na akong masamid ng dahil sayo." reklamo ni Queen.
"Guys, I need to tell you something! It's----...."
"Make sure it's not a stupid joke." putol ni Betriz.
"Guys, I saw something! Alam ko na kung sino ang killer. It's----....."
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang mapahiga. There's a meat cleaver in her back! Walang humpay ang pag-agos ng dugo. T---Tina is dead.
"Aeiou, alam ko na---- WHO DID THIS?!" napalingon kaming lahat kay Christoff.
Nakatingin sakanya lahat ng masama. Alam ko na ang iniisip nila.
"MAGTATANONG KA PA?! EH, ALAM NAMAN NAMIN NA IKAW ANG MAY GAWA NITO. TAMA NGA ANG HINALA NAMIN, MAGKASABWAT KAYO NI AEIOU!! NAPAKA-WALANG PUSO NIYO!!" malakas na sigaw ni Vyn, boyfriend ni Tina.
"HE DIDN'T KILLED TINA! HE'S TRYING TO HELP US!! PAANO MO NASABING TAMA ANG HINALA NIYO? MAY EBIDENSYA NA BA KAYO? ANO? SAGOT!!" sumabat na ako.
Nag-iinit nanaman ang dugo ko. Nanahimik sila. Naubusan 'ata ng sasabihin. Well, good for us. Nakarinig kami ng yabag at nilingon ang pintuan. Si Xyrus.
"Woah. What happened?" gulat na tanong niya.
Nagulat ako nang makita ko siyang palihim na ngumisi. Don't tell me.....
"We don't know! Ang alam lang namin ay magkakasabwat kayong tatlo. Just admit it. We're so tired of this stupid game!" napa-irap ako sa sinabi ni Macy. Magkakasabwat. Tsk! Neknek niya.
"Hindi kami magkakasabwat. Mag-isa lang ang killer. Alam ko 'yun." sabi niya at umakyat na.
Paano niya alam 'yun? Hindi niya naman siguro kilala o alam kung sino ang killer? Lumakad na lang ako at umakyat para mahiga na. Pagpasok ko, nakita ko si Christoff na nakahawak sa ulo niya.
"Are you okay? Ano 'yung kailangan mong sabihin?"
"It's nothing. Matulog ka na lang. It's 10:45 p.m." huling sinabi niya at humiga sa kama niya.
Nothing? Parang may gusto siyang sabihin. Ano naman 'yun? Pumanta na lang ako sa kama ko at nahiga. Sana, hindi na lang ako nag-transfer. I hate this.
BINABASA MO ANG
Obsessed
HorrorOnce he fell in love, you can't conceal yourself even in the depths of hell. Prepare to experience his dangerous love. He's obsessed with you.