Chapter 5: Accident?
Aeiou's P.o.V
Nandito ako ngayon sa room naming tatlo. Everyone's crying. Lahat ako ang pinagbibintangan. Buti na lang, nandito si Christoff.
"Aeiou, 'wag ka na lang magpadala sa mga sinasabi nila. Alam ko namang hindi ikaw ang pumapatay dito. Naiipit ka lang." nakaupo siya sa tabi ko.
"Yeah, I know. Salamat dahil naniniwala ka pa din sakin." ngumiti ako ng fake.
"Huwag kang ngumiti ng fake. 'Di bagay sayo." napa-roll eyes na lang ako.
*Blag!*
Napatayo kaming dalawa ni Christoff sa narinig.
"Narinig mo ba 'yun?" tanong ko sakanya.
"Duh. Malamang."
Bumaba na kami at nakita si Aila at si Chelsea. May basag na vase sa likuran ni Chelsea na malamang binato ni Aila.
"Hindi ikaw? So, naglakad 'yung lipstick ko papunta sa bag mo? Wow, Chelsea! Nice acting. Bigyan kita ng award. Gusto mo?" sarkastikong tanong ni Aila at sinabayan pa ng tawa.
"Ilang beses ko ba sabihin sayo na hindi ko kinuha 'yung lipstick na 'yun?! Wake up, Aila! It's just a lipstick. Ni hindi nga ako nagme-make up 'tas pagbibintangan mo ako? Wow, what the heck lang Aila!" binangga niya pa si Aila para makadaan.
"Aba't! HOY! 'Wag na 'wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw niya at sinundan si Chelsea sa rooftop.
Susundan ko na sana sila. Pero, pinigilan ako ni Christoff. Nilingon ko siya. He's wearing a poker face.
"Let them be. Away nila 'yan. Baka 'pag may nangyari, ikaw nanaman ang sisihin." at tsaka iniwan ako dito sa sala.
Siguro, lilinisin ko na lang iyong vase. Kumuha na lang ako ng walis at ng dust pan.
"Oy, Aeiou. Anong kaguluhan ang nangyari dito? Bakit nabasag 'yung vase?" tanong sakin ni Vyn.
"Ahm... Si Aila tapos si Chelsea, nag-away sila----" naputol ang pagsasalita ko ng sumabat si Bryan.
"Ba't naman sila nag-away?" tanong niya habang nagkakamot ng batok.
"Lipstick. Dahil lang sa iisang lipstick." pati ako napakamot ng batok.
"Psh! Mga babae nga naman talaga." -Jonathan.
"Nasan nga pala 'yung iba?" tanong ko sakanila at dinakot na 'yung vase.
"I dunno. Siguro, nag-bonding silang mag-isa." sabay irap.
"Mukha kang bakla." -Roy.
"Ako bakla?! Sa gwapo kong 'to?" -Raquel.
Natawa na lang kami. Ang kukulit pala ng mga 'to.
"Wahahahha! Kelan ka pa naging gwapo?" -Bryan.
"Since birth." -Raquel.
Mas lalong lumakas ang tawanan namin. What a good joker nga naman! Hahahaha. Tawa lang kami ng tawa with matching hampas sa lamesang nasa harapan namin.
"Nakakatampo kayo. Hindi kaya ako nagjo-joke." sabay puot.
Lumakas nanaman ang tawanan namin. 'Yung itsura kasi ni Raquel nung nag-pout. Waah! Basta, nakakatawa! Hahahaha.
Napatigil kami sa pagtawa. Nang, bumaba si Aila. Naka-yuko siya at gusot-gusot ang damit niya. Dumaan lang siya ng tahimik sa harapan namin at pumasok sa kwarto niya.
"Oy, parang iba 'yung kilos ni Aila. May nangyari ba? Natahimik 'ata 'yung kwarto ni Chelsea?" sunod-sunod na tanong ni Jonathan.
"Oo nga. Parang may ginawa siyang masama?"
BINABASA MO ANG
Obsessed
HorrorOnce he fell in love, you can't conceal yourself even in the depths of hell. Prepare to experience his dangerous love. He's obsessed with you.