12 - Xyrus Is The Killer?!

2.8K 52 0
                                    

Chapter 12: Xyrus Is The Killer?!

Aeiou's P.o.V
Dali-dali kong sinundan 'yung lalakeng naka-suit at naka- face mask. Pero, patago. Mahirap na baka mapatay niya ako.

Huminto siya saglit kaya napa-hinto ako sa likod ng puno. Nag-ring ang cellphone niya at sinagot ito.

"Hello?" tanong niya.

Bakit ganun? Parang pamilyar saakin 'yung boses niya? 'Wag naman sana.

"Yeah. Nichole is dead. Desiree is next. Masyado na siyang lumalampas sa linya. Inuubos na niya ang pasensya ko." rinig kong sabi niya.

"What?! Sinundan ako ni Aeiou? Alam mo ba kung nasaan siya nagtatago?" naku, lagot! anong gagawin ko?

"Hays. Ok lang. Pinagtatakpan lang naman kita. Psh!" what? Pinagtatakpan? Ano bang pinagsasabi neto?

"Babalik muna ako sa cabin. Kailangan kong gumawa ng plano kung paano ko papatayin si Desiree..... yeah..... Alam kong nakikinig si Aeiou. Sooner or later, malalaman na niya kung sino ako." a--alam niya.

Binaba na niya ang cellphone niya at lumakad ulit. Patago naman akong sumunod sakanya.

Huminto kami sa isang cabin. Teka... ito 'yung cabin ni Xyrus! Napatago ako sa likod ng mga patong-patong na kahoy ng bigla siyang lumingon. Pumasok na siya sa loob.

Kinakabahan na ako. Kilala niya ba ang killer? Hindi! Siya ang killer!! Bwiset! Nalilito na ako!!!

Hindi na ako nag-dalawang isip at pumasok sa cabin. Unang bumungad saakin ang picture ni Xylan at ni Red. Iginala ko ang paningin ko at nakita ang bukas na pinto sa likod ng drawer kung saan naka-patong ang picture. This is it. Kailangan kong malaman kung sino ang killer at matatapos na lahat ng ito.

Pumasok na ako ng tahimik sa kwarto. Masyadong madilim at tahimik.

Nilibot ko ang paningin ko. Meron akong nakikitang liwanag sa 'di kalayuan.

Dahan-dahan akong lumapit sa liwanag na 'yun. Napatigil ako sa paglalakad ng may nag-salita.

"You're following me. Am I right?"

Nanigas ang paa ko at umurong ang dila ko. Napaka-cold ng boses niya. Natatakot na ako.

"You are going to regret for following me. You're going to die!!"

Tinaas niya ang kamay niya na may hawak na kutsilyo. Napa-pikit na lang ako. I'm going to die.

*blag!*

Napa-dilat ako sa narinig ko. I---it's Xyrus!! Sinapak niya ang lalake na ngayon ay naka-hilata sa sahig. If Xyrus is beside me, who is this?

"Let's go. It's dangerous." walang emosyong sabi niya at hinila ako.

"Wait! I want to know who's that!! Please, Xyrus!" pamamakaawa ko.

"Are you insane?! Tauhan lang siya ng killer. Pinapaikot niya lang tayo. If we don't hurry, we're gonna die!!" natahimik ako. Tauhan?

Paano naging tauhan? I saw Xyrus a lot of time!! Pero, tauhan?!

Tuluyan na naming nilisan ang cabin na 'yun. Kung hindi si Xyrus 'yun, sino siya?

ROOM
"Aeiou! God, nag-alala ako sayo. Saan ka ba nag-punta?" nag-aalalang tanong ni Christoff.

"Christoff, I need to tell you something." tinanguan niya na lang ako.

Umupo kami sa kama ko.

"What is it?"

"Sinundan ko kanina 'yung naka-suit. Napunta kami sa cabin ni Xyrus. Pero, akala ko si Xyrus 'yun. But, I'm so wrong. Sabi niya, tauhan lang daw 'yun ng killer. Gusto ko sana maniwala. Pero, si Xyrus talaga ang iniisip ko. Christoff, hindi ko mahuli si Xyrus. Anong ibig-sabihin noon?" curious na tanong ko.

"It means, Xyrus is not the killer." kumunot ang noo ko.

"Not him? Pero, na sakanya lahat ng ebidensya!!"

"Oo, na sakanya nga. Pero, pinagtatakpan niya lang ang killer."

Pinagtatakpan? Pero, bakit? Iniwan ako ni Christoff. Masyado na akong naguguluhan. But first of all, who's the killer?

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon