21 - User

2K 49 1
                                    

Chapter 21: User

Macy's P.o.V

Ang bilis talaga ma-uto ni Aeiou. 'Di ba niya alam na kaya ko siya nilalapitan dahil gusto ko makuha sakaniya si Xyrus? Psh! Kawawa naman siya.

Actually, plano talaga namin ni Betriz 'yung mabubog siya. Pero, punyemas! Tinulungan pa ni Xyrus 'yung impakta! Hindi lang si Xyrus, pati si Christoff! Akala ko ba nagalit sakaniya si Aeiou?

Lalakad na sana ako pabalik ng room ni Aeiou. Pero, nakita ko si Betriz. Naka-upo siya at tsaka hawak-hawak niya 'yung buhok niya at parang tinatakpan ang kaliwang pisngi niya. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Betriz! Anong nangyari sa pisngi mo?" gulat kong tanong nang makita ang pulang-pulang pisngi niya.

"Ha? W--wala. Wala! Ok lang ako. Nagasgas lang dahil nadapa ako. Hehe." kinakabahang pag-tanggi niya.

Tumayo siya kaagad at umalis na. Anong nangyari dun? Parang may tinatago, eh.

"Macy!!" napalingon ako sa tumawag saakin. Si Xyrus.

"Bakit?" tanong ko.

"Yung pagkain natin?" sabay turo sa hawak kong supot.

"Ahh.... oo nga pala. Hehe! Tara na, pasok na tayo."

Pumasok na kami sa loob ng room ni Aeiou. Nandito din pala si Chryxsanne. Tsk! Nag-sama ang dalawang malandi.

"Aeiou, ok ka na ba? Ito oh, dinalhan kita ng soup para may makain ka." sabay abot ng soup na nasa tupperware. Eww! So cheap.

"Ba't nag-abala ka pa? Pero, thank you!" naka-ngiti niyang pagpapasalamat. Psh! Plastic!!

Napa-tingin kaming lahat sa bulsa ko. Tumunog kasi 'yung cellphone ko. Kinuha ko 'yun at tinignan ko kung sino ang nag-text.

'Pumunta ka dito o laslas ang leeg mo.Nandito ako sa parking lot.'

Kaagad namang nag-sitayuan ang mga balahibo ko. Sino ang nag-text? Sino pa ba, edi si Xylan. Tinignan ko silang lahat na na kay Aeiou ang atensyon. Sakto! Makakalabas ako ng hindi nila nahahalata.

***

Nakita ko siya sa pinaka-dulo. Naka-sandal lang siya sa kotse habang naka-cross arms. Bago ko siya lapitan, nilibot ko muna ang paningin ko baka kasi may ibang tao dito. Ok, walang ibang tao. Nilapitan ko na siya.

"B--bakit?" nanginginig kong tanong. Sino ba kasing hindi matatakot sakan'ya?!

"Magaling ka pala gumawa ng plano. Why don't we celebrate?" naka-ngisi niyang sabi. Celebrate? Ba't ang aga naman 'ata?

"Hindi ba, masyadong maaga pa para mag-celebrate? Hindi pa nga sila tuluyang nagkaka-hiwalay." nagtataka kong tanong.

"Nah. Ok lang 'yan. Tara, sumakay ka na." naka-ngisi pa din niyang sabi. Shetz, kinakabahan ako.

Kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko, sumakay na ako sa kotse niya. Kilala ko si Xylan. Kung ano ang gusto niya, nasusunod. Sana, ok lang ang lahat.

Aeiou's P.o.V

"Uy! Nakita niyo ba si Macy? Nawawala siya!" sigaw ni Xyrus at napa-sabunot ng buhok.

"Tawagan niyo nga! Sino may phone number niya?" tanong ni Christoff.

"Ako. Ako meron." mahinahon. Pero sobrang alala niyang sabi at kinuha ang cellphone sa bulsa at nag-dial.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon