03 - Vacation

5.9K 120 5
                                    

Chapter 3: Vacation

Ngayon na 'yung bakasyon namin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko. Siguro naman, papayagan nila akong makipagbakasyon sakanila?

Kumpleto na ba 'to? Ay...wait! 'Yung charger ko. Saan ko nga ba 'yun nilagay? Nilapitan ko 'yung kama ko at tinignan ang ilalim ng kama. Pero, wala 'dun. Baka nasa drawer? Pagbukas ko, wala akong nakitang charger. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at tsaka tumingala. Ayun! Nasa tuktok lang pala ng lalagyan ng damit ko. Inabot ko 'yun. Pero, masyadong malayo. Mas mataas kasi ang closet ko kesa sakin. Para maabot ko, tumalon ako at sa hindi sinasadya may nahulog na box at kasama na nito ang charger.

Anong box 'to? Kinuha ko 'to at binuksan. Dalawang bata, isang babae at isang lalake. Sino naman 'to? Tinuloy ko lang ang paghahalungkat sa box na kulay black at may nakitang letter. Binasa ko ito.

'I'm sorry! Hindi ko naman kasalanan na pinatay ko ang magulang mo at mga kapatid mo. Mahal na mahal kasi kita! Akin ka lang, akin na akin ka lang!'

Ano 'to? Ba't may ganito ako? Saan galing ito? Ang gulo nanaman ng isip ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Gusto kong malaman lahat. Every single thing.

Ibinalik ko na ang picture at ang letter sa box. Dadalhin ko ito. Parang may koneksyon ito sakin. Dinampot ko na din ang charger at nilagay na travelling bag ko. Ok na 'to. Tumingin ako sa orasan. 30 minutes bago umalis ng school.

SCHOOL

"Oh my gosh, Betriz! Hahayaan mo siyang sumama satin?!" -Macy.

"Oo nga! Malay mo, she's going to murder us?!" -Chelsea.

"Shut up, guys! Kapag may minurder nanaman siya, hinding-hindi ko na siya hahayaang makatakas pa." -Betriz.

Kanina pa sila bulungan ng bulungan. Hindi nila alam na nasasaktan na ako. Nilinga-linga ko ang paligid at nakita si Chryxsanne. She's looking at me sadly. Anong nangyari sakanya? Nilapitan ko siya.

"Hi, Chryx---" hindi ako natuloy ng umalis siya.

Teka! Ano bang nangyayari sakanya?

"Tsk! Pati si Ms. Sakura, nilalayuan na siya. Sabagay, kriminal kasi." at tumawa pa sila.

Papunta kami ngayon sa Palawan. Nandun daw kasi ang resort ni Aila. Sinenyasan na kami ni manong na sumakay ng bus. Kinakabahan ako. Something's not right. Pero, hindi ko ma-sense iyon.

Isa-isa kaming sumakay ng bus. May sumisigaw at may nagtatalon pa nga 'nung nakapasok sila ng bus. Nagtayuan ang balahibo ko. Someone's staring at me. Nilibot ko ang paningin ko sa palagid and I saw him. His wearing a black and white suit and a bloody face mask. Siya! Siyang-siya ang pumatay kay Jezzy!! Lalabas na sana ako ng itulak ako pabalik ng kondoktor.

"Hey, nakapasok ka na dito! Hindi na pwedeng lumabas!!" bulyaw niya sakin kaya napatingin samin ang lahat.

Tumayo ako para makalabas ng bus. Pero, hinarangan niya lang ako.

"Padaanin mo ako!! He's after us. He's following us! Something's not right! I know, he killed our classmate!" pagpupumiglas ko.

"Miss! Nakakahiya ka. Ano bang pinagsasabi mo?! Pwede ba, matulog ka muna? Antok lang iyan. Alam naman ng lahat na ikaw ang pumatay kay Jezzy at may gana ka pang manturo?! Hindi mo ba alam na pag-ginawa mo 'yun, may madadamay na iba?"

Natahimik ako. Ayan nanaman. Ako nanaman 'yung mali? Ako nanaman 'yung kriminal? Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ako makatingin sa kondoktor at sa mga kaklase ko. Tinignan ko ang glass window at nakita ko nanaman siya. He's waving at me. Tinaas niya ang kamay niya at pinakita sakin ang...... isang...... THINNER AT LIGHTER!!

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon