Chapter 10: Threatened
"Hey, Aeiou. Huy!! Anyare at tulaley ka?"
Nabalik ako sa katinuan ng may marinig akong may tumatawag sakin. Si..... Chryxsanne?
"Chryxsanne, akala ko ba galit ka sakin?" tanong ko.
"Nah. Hindi ako galit sayo. Napagbuntungan lang kita ng galit. I'm sorry about that. Hindi ko na kasi kinaya 'yung galit ko." napa-irap naman siya sa hangin.
"Bakit? Anyare ba?"
"Anong nangyari?! Diba kasi 'nun, may date kami ng boyfriend ko? Pagdating ko ba naman 'dun, bumulaga sakin na may kahalikan siyang iba! Ako naman 'tong palaban. Sinabunutan ko 'yung babae sabay tadyak sa mukha niyang sinagasaan ng ten miller na binalikan pa ulit ng paulit-ulit. Dahil sa nangyaring 'yun, napahiya ako. Hindi lang sa restaurant, pati sa YouTube. Biruin mo, dami palang nag-video. Edi, pagkapasok ko dito, badtrip na badtrip ako. Napag-buntungan tuloy kita ng galit. Bwiset lang ako 'nun. Pero, naka-move on na ako kaya masaya na ako ulit. Happy lang." sabi niya with matching action kaya naman natawa ako.
"Ah, ganun ba? Hahahaha!!" whahahaha! Hindi na ako maka-hinga kakatawa.
"Bakit ka natatawa? Anong part 'dun ang nakakatawa?" nalilitong tanong niya. Mas lalo akong natawa.
"Walang nakakatawa sa sinabi mo. Pero, 'yung mukha at 'yung matching action, nakakatawa. Whahahahaha!!" malakas na tawa ko at napa-higa sa lapag. Nandito kami sa harap ng fountain. Yup! May fountain. Ganun kayaman sila Aila.
"Ang sama mo. How dare you to laughingstock at my serious story? It's not lau---ta--- anong english ng nakakatawa?" mas lalo akong tumawa ng tumawa.
"Ayoko na nga." napa-irap nanaman siya.
Nang kumalma na ako, tumayo ako sa lapag at pinunasan ang luha ko. Tears of joy, mga p're.
"GUYS!! TARA, SLIDE TAYO!" narinig kong sigaw ni Patricia.
Nakita kong nag-takbuhan silang lahat na parang bata. Slide lang pala kahinaan ng mga 'to.
"Sama tayo?" tanong ni Chryxsanne at kumapit sa braso ko.
"K." tanging nabanggit ko at pumunta sa mga kaklase ko.
"Hi, Aeiou!" naka-ngiting bati ni Raquel.
"About 'dun sa kwin----"
"Nah. Okay lang 'yun. I'm sorry kung nasigawan kita. So, tara!" mas lumawak pa ang ngiti niya.
"Ahm.... ok..... Tara." walang ganang pagsang-ayon ko. 'La, eh. Napagod kakatawa.
Nauna na siyang umakyat sa slide at ako naka-sunod lang. Sa baba ko, si Chryxsanne. Nang makaakyat, nakita ko 'yung panginginig ng kamay ni Chryxsanne. Muntik na akong matawa.
"1,2,3 game!"
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Raquel. Sa gulat ko, hindi ko napansin na napa-hawak ako sa paa ni Chryxsanne kaya naman napa-upo din siya at napa-slide na din.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!" rinig kong sigaw niya.
Whahahaha!! Nakakatawa nanaman 'yung itsura niya.
*splash!*
Sabay-sabay kaming bumagsak sa pool dahil magkakahawak pala kami. Teka, hindi man lang nila sinabi saaming dalawa? Mabilis na umahon si Chryxsanne at napahawak siya sa puso niya. Umahon na din ako para kumustahin siya.
"Ok ka lang? Sorry 'dun sa biglaang pag-hawak ko sa paa mo. Si Raquel kasi, eh. Bigla ba naman akong hilahin." matawa-tawang pagpapasensya ko.

BINABASA MO ANG
Obsessed
HorreurOnce he fell in love, you can't conceal yourself even in the depths of hell. Prepare to experience his dangerous love. He's obsessed with you.