28 - We're Going Home

2.2K 40 1
                                    

Chapter 28: We're Going Home

Aeiou's P.o.V
Nabalot ng katahimikan ang sala ng cottage. Malamang, na-trauma ang iba.

"We should go home." walang ganang sabi ni Raquel.

Nag-tinginan naman silang lahat at napa-kunot ang noo nila. Weird?

"Yeah. We should go home." pang-sang ayon ko.

Mas kumunot ang noo nilang lahat. Why? Anong ginawa ko?

"We're going home. Whether you like it or not." sabi ni Christoff na parang nagbabanta.

Ba't siya nandito?! Alam ko na. Tinulungan niya si Xylan kanina!!

"Wait." napa-tigil ang lahat sa ginagawa nila. "Are you happy now? Well, you might be."

Natahimik ang lahat. Hindi pa alam ng lahat na si Christoff ang kasabwat ni Xylan.

"What do you mean by that?" napalingon ako. Xyrus.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo. Dahil baka mag-kagulo sila.

"Sabihin mo, Aeiou. May nalalaman ka ba?" bakas na sa boses niya na naiinis na siya.

Umiling ako. "Wala. It's our problem. Walang kinalaman sa mga nangyayari." wala nga ba talaga?

"Tss. Ok."

Umakyat na kaming lahat. Aayusin ko na ang gamit ko.

***

Nandito na kami sa bus. Nag-paalam na kami sa mama ni Aila na uuwi na kami. Humingi na din kami ng patawad sa nangyari kay Aila.

Nandito ako sa pinakadulo ng bus. Wala lang trip ko lang.

"Anong nauna? Itlog o manok?" tanong ni Raquel.

Bumaba ang tingin ko sa leeg ni Raquel. Wait!

Dali-dali kong kinuha ang box sa travelling bag ko at hinalungkat. Parehas na parehas ang itsura.

Is it possible? Naalala ko 'yung bonding. 'Yung araw na nahulog niya 'yang kwintas.

Nagulat kaming lahat dahil biglang prumeno ang bus. Patay! Nahulog ang mga laman ng box!

Mabilis kong kinuha isa-isa ang mga papel at ang picture. Sana walang nakakita!

"Oy, oh! Say---" napahinto siya sa pag-pulot ng picture.

Fudge. I'm doomed.

"Bakit nasa'yo 'to?" tanong niya at inilapit pa saakin 'yung picture.

Anong isasagot ko?

"Ah.... eh.."

"Uy! Tumayo nga kayo diyan!" sita saamin ng konduktor.

Mabilis kong kinuha sa kamay ni Xyrus ang picture at itinago sa box. Bumalik na ako sa upuan ko. Wew. Buti na lang sumabat 'yung konduktor.

***

Casey's P.o.V
Mag-isa na lang akong bumi-byahe. Pagka-dating kasi ng bus stop ay nagkawatak-watak kami. 'Yung iba, gagala pa daw. 'Yung iba, maglalakad o kaya naman ay iba ang sasakyan.

Naka-sakay ako sa bus. Dito ako sa medyo dulo umupo. Unti nga lang 'yung tao dito, eh.

Sinuot ko muna 'yung earphones ko at ipinikit ang mata.

Maya-maya, naka-rinig ako ng isang yabag. Tss! Lalakad na lang, ang ingay-ingay pa. Naramdaman ko na sa likod ko siya umupo. Which is, walang tao.

"Hi miss. Ready to die?"

Teka! Ako ba tinutukoy niya?

Mabilis siyang bumaba ng bus at iniwan akong tulala. Pagka-baba na pagka-baba niya, nag-dilim ang paningin ko.

Aeiou's P.o.V
"Hi mom." bati ko kay mommy na nag-huhugas ng plato.

"Aeiou! Buti naman at naka-uwi ka na!!" naiiyak na sabi niya.

"Mom, bakit? Are you ok?" nag-aalala kong tanong.

"Anak, may nadisgrasya kasi kanina na bus. Nahulog sa bangin at tsaka sumabog. Buti na lang hindi ikaw ang naka-sakay doon."umiiyak na sabi niya.

"Tahan na ma. Pero, pinakita ba sa TV kung anong bus 'yun?" tanong ko. Sana 'wag naman.

"Ewan ko. Hindi na ako nakanood dahil sa sobrang alala ko sa'yo." tumalikod siya at tsaka piniunasan ang luha.

"Wait lang, ma. Manonood muna ako ng balita." paalam ko at dumiretso ng sala.

Pag-bukas ko 'agad ng TV. Iyon 'agad ang bumungad saakin.

"5 patay kasama ang driver at kundoktor. Matapos umano'y mahulog sa bangin at sumabog." argh! anong pangalan ng bus?!

Zi-noom nila ang camera at nakita ang tatak ng bus.

What?! Ayun 'yung sinakyan ni Casey!

*Tok-tok-tok*

Napa-lingon ako sa pinto. Sino 'yun?

"Anak, paki-bukas." utos saakin ni mommy.

Unti-unti akong lumapit sa pintuan. Natatakot na ako. Shems. Nanginginig kong inabot ang doorknob. Pwede ba, Aeiou, kumalma ka?!

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto habang naka-pikit.

Huh? Binuksan ko ang mata ko. Isang letter? 'Nyemas.

Pinulot ko 'to at pumasok na sa bahay. Kanino naman 'to? Binuksan ko na ang letter at binasa.

"Classroom reunion at 12:00 a.m. Thursday." bukas?

Classroom reunion? Bakit?  

A/N:

So, meron pang 1-2 chapter bago mag-epilogue. Hindi ko kasi kayang mag-sulat ng sobrang haba na story. HAHAHA! Ok, handa na ba kayong malaman kung sino si Xylan? At gusto niyo din bang malaman kung anong mangyayari kay Aeiou? Well, ako din. Pero, di ko alam kung kelan ang UD. PFFT! K,bye.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon