Chapter 19: Zean
Aeiou's P.o.V
Pag-katapos ko gamutin 'ung sugat ni Xyrus, bumaba na ako para manood ng TV. Manonood muna ako ng balita."Aeiou?" rinig kong boses sa likod ko.
Nilingon ko kung sino 'yun. Si Macy.
"Oh, bakit?" tanong ko habang tutok na tutok sa TV.
"Umh.... Pwede pa-favor?" tinignan ko siya. Ang lawak ng ngiti niya.
"Ano 'yun?" nakataas-kilay kong tanong.
"(Psh ang sunget. Hindi naman maganda) Pwede bang pasabi kay Xyrus na pumunta doon sa bakuran. Papatulong lang ako sa pag-kuha ng bulaklak." sabi niya habang nag-iisip pa.
"At saan mo naman gagamitin 'yung mga bulaklak." pag-dududa ko na ikinagulat niya.
"Ah... sa... sa.... May nililigawan kasi si Raquel. So, ayun, nagpapatulong sa ibibigay niyang bulaklak." namamawis na sabi niya.
"Bakit si Xyrus pa? Ang dami-daming lalake diyan."
"Hayst. Hindi kasi tinutulungan nila si Raquel kung paano mang-ligaw. 'Lam mo na, first time, eh." natatawang sabi niya.
"Oh, ok. Tara, samahan kita." naka-ngiting yaya ko.
Nag-lakad na kami papunta sa kwarto ni Xyrus at pinapasok ko siya. Well, that will do.
Macy's P.o.V
Psh! Napaka-uto-uto naman ni Aeiou. Hindi ba niya alam na inilalayo ko lang siya kay Xyrus.Habang papunta pa lang kami ng kwarto, nakita ko si Xylan na naka-tago sa sulok. Tinanguan ko lang siya na sign bilang tagumpay ako sa pangungumbinsi kay Aeiou.
Pagka-pasok ko ng room ni Xyrus, iniwan na ako ni Aeiou. Let the mission start.
Aeiou's P.o.V
Mag-isa akong naka-upo dito sa bench sa labas. Hawak-hawak ko ang maliit na bote ng RC."Anong ginagawa mo dito?" nilingon ko siya. Si Raquel pala.
"Papahangin lang. Kumusta si Patricia? Ok na ba siya?" nag-aalalang tanong ko.
Umusog ako para maka-upo si Raquel.
"Andoon, umiiyak pa din. Pag-pasok nga namin, nabubog kami. Nag-babasag na ng gamit si Patricia. Nakakaawa siya. Bwiset talaga 'yung killer." medyo may pagka-inis sa boses niya.
"Yeah. Bwiset siya. Si Russell, kumusta?"
"Ok na siya. Nginingitian na niya kami. Tara sa loob." hindi na ako nakapag-salita dahil hinila na niya ako.
Pag-pasok na pag-pasok namin, nakita namin si Macy at Xyrus na nagtatawanan. Ouch! What's going on? My heart hurts.
"Uy! Raquel at Aeiou, nandiyan pala kayo? Sali ka---" hindi siya natapos sa sasabihin niya dahil nag-walk out ako.
ROOM
"Shucks!!! Mag-lock naman kayo ng pinto!!" sigaw ko kala Betriz.Lumabas ako ng kwarto at tinakpan ang mukha. Eww! Live show. Yuck.
"Pumasok ka na! Bilisan mo." sigaw ni Betriz.
Dali-dali akong pumasok. Hindi ko sila tinignan kahit sulyap. Nasaan na ba 'yun?!
"Argh! Ang bagal." inip na inip na reklamo ni Betriz.
Shudap! Pasakan ko ng bote ng RC 'yang bibig po para manahimik ka.
Lumapit ako sa lalagyan ng damit ni Betriz. 'La kong pake kung mag-reklamo siya.
"Pati ba naman damitan ko, kakalikutin mo?!" reklamo ulit niya.
Napa-tigil ako sa pag-hahanap. Ba---bakit nasa kanya 'to. Humarap ako sakanila na ikinagulat ni Christoff.
"Ba't nasa'yo 'to?" mahinahon ngunit may pagka-diin kong sabi.
"SUMAGOT KA! BAKIT NASA'YO 'TO?!" tinaas ko pa ang bracelet na hawak ko.
Naalala ko si Zean. My bestfriend. My sister. Oo, may kapatid ako. Pero, nabalitaan kong may bumaril sakaniya. Hanggang ngayon, hindi pa kilala kung sino 'yun. Pero, may duda ako kay Betriz. I think siya ang pumatay.
"Who are you to shout at my---" hindi ko pinatapos 'yung sasabihin ni Christoff dahil inunahan ko na siya.
"Alam mo kung ano 'yung masakit? 'Yun 'yung mawalan ka ng kapatid. 'Yung taong mahalaga saiyo. Sabihin mo, Betriz, MAY ALAM KA BA?!" galit kong tanong.
"OO! AKO ANG PUMATAY SA KAPATID MO!! MAY MAGAGAWA KA BA----" hindi ko di siya pinatapos sa sasabihin niya dahil hinila ko ang buhok niya at sinapak ko siya.
"Ubos na ubos na ang pasensya ko saiyo, Betriz! Kinuha mo saakin ang kaibigan ko, binully niyo kami ni Chryxsanne, ginawa niyo akong halo-halo, tapos ngayon sasabihin mo saakin na pinatay mo si Zean!!! Sabihin mo ano ang dahilan!!" sigaw ko at sinisipa-sipa siya.
"Aeiou, stop!" pigil saakin ni Christoff
"Nainis ako dahil inahas niya ang BF ko, nainis ako dahil inagaw niya ang bestfriend ko, nainis ako dahil binully niya ako, nainis ako dahil pinag-palit niya ako, nainis ako dahil.... hindi niya alam ang feeling na masaktan. Ginawa ko ang lahat ng 'yun sa'yo dahil gusto ko iparamdam sayo ang sakit at pag-durusa ko. I shot her. Binaril ko siya sa ulo. 'Yung sa dibdib niya, hindi ko kilala kung sino ang bumaril 'nun. Basta, sa ulo lang ako."
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa sakanya. Pero, mas nananaig pa din ang galit ko.
"So, kailangan patayin? Kailangang agawin ang buhay para lang mawala ang galit mo. Bakit? Pinatay ba kita?! Betriz, pag-titimpi lang ang kailangan! Ilang beses niyo na ba akong binully? Diba marami-rami din? Pero, pumatay ba ako?! Binaril ko ba kayo sa ulo!? Betriz, sana maintindihan mo ang galit ko sa'yo ngayon. Zean is my sister but at the same time, bestfriend. Ngayong wala na siya, sino na ang tatayong bestfriend ko? Sino na ang tatayong kapatid ko? Sino na ang magko-comfort saakin? Wala na! Dahil pinatay mo na siya!! Sana masaya ka na dahil nasaktan uli' ako. Sana masaya ka na!!" sigaw ko at umalis na.
Argh! I super hate this day!! Nag-kataon pa na ngayon ang death anniversary niya. Bwiset na Betriz!!
BINABASA MO ANG
Obsessed
HorrorOnce he fell in love, you can't conceal yourself even in the depths of hell. Prepare to experience his dangerous love. He's obsessed with you.