09 - Necklace

2.9K 70 0
                                    

Chapter 9: Necklace

  "AEIOU! AEIOU! MAY IPAPAKITA AKO SAYO BILIS!!!" narinig kong sigaw.

Nilingon ko kung sino 'yun. Si Christoff. Hinal na hingal siya na parang nakipghabulan kay Usain Bolt.

"Ha?Ano 'yun?" nagtataka kong tanong.

"Basta. Sumama ka na lang sa room natin." sabi niya at nauna ng lumakad.

Sumunod na lang ako ng tahimik. I think, it's very important.

Pagpasok namin sa kwarto, nakita namin si Betriz. Oh, no! She's holding the box!

"Oh, what's this? Is this important?" nakangiting tanong niya.

"Don't touch it or you will regret." nagbabantang wika ni Christoff.

"Or what? Papatayin mo ako tapos susulatan mo din 'yung pader gamit ang dugo ko? What a good idea."

Nagsimula ng magdikit ang kilay ko. She's getting into my nerves.

Mabilis ko siyang nilapitan. Pero, nakaiwas siya.

"You should'nt do that."

Tinapakan niya 'yung paa ko kaya napasigaw ako.

"Stop it, Betriz! Just hand it over!!" sigaw ni Christoff.

Aamba na sana ako ng suntok ng mahawakan niya ang kamao ko. Mabilis niya akong sinikmurahan. Napahiga na lang ako. I can't fight her. She's very though.

Dali-dali siyang tumakbo palabas habang hawak-hawak ang box. No!!

"Christoff, ku--kuhain mo 'yung box."

And everything turned black.

Christoff's P.o.V

Nang mawalan ng malay si Aeiou, tumakbo na agad ako.

*BLAG!*

"Argh! Stupid extension!!" narinig kong sigaw niya.

Nakita ko siyang nakaupo sa sahig. Natapilok pala siya sa extension. Nilapitan ko na kaagad siya habang nakaupo siya sa sahig.

"It's over now. Give me the box." utos ko sakanya.

"Tsk, okay!" sabi niya at inangat ang kamay.

Kukuwain ko na sana 'yung box ng.....

Aeiou's P.o.V

Ang sakit ng ulo ko. Nasan ba ako? Oo nga pala. Inutusan ko si Christoff na kuwain 'yung box kay Betriz.

Lumabas na ako ng kwarto at tsaka bumaba. Pagkadating ko sa sala, nagulat ako sa nakita ko.

What's this? Bakit magkahalikan si Betriz at Christoff? Napahawak ako bigla sa puso ko. Ano nanaman 'to?

Nang mapansin 'agad ako ni Christoff, tinulak niya si Betriz. Sh*t. Kadiri.

"I--ito na 'yung box." nauutal niyang sabi at binigay sakin ang box.

Lumakad na ako at pumasok sa kwarto. Nakakadiri.

Pagpasok, umupo ako sa kama at binuksan ang box. Wait... what's this?

Muntik na akong mahulog nang may magsalita sa pinto.

"Ayan sana 'yung ipapakita ko sayo. Open it." sambit ni Christoff at umupo sa tabi ko. Ok, awkward.

Binuksan ko ito at nakita kaagad ang dalawang picture ng bata. 'Yung shape ng kwintas, pa-heart siya. Is this Red and Xylan?

"Sorry about what you see. Hindi ko naman ginusto 'yun, eh. She started it. Akala ko aabutin niya lang 'yung box. Pero, tinulak niya ako dahilan ng pagkahalikan namin. I don't like it. I don't----"

"Stop saying sorry. Alam ko naman 'yun. And please, nagiisip ako. Ayoko isipin 'yung nakita ko. Kung gusto mo lang din pagusapan natin 'yun, iwan mo na lang ako. I need to investigate than thinking those kinds of things." masungit na sabi ko. Wala lang. Trip ko lang.

"O....k?" hindi niya siguradong sabi. Psh!

"But I saw something like that before. Hindi ko maalala kung saan ba 'yun at kung kailan. Masyado na ding magulo ang isipan ko. Sama mo na 'yung----- ay oo nga pala. Hehe. " nininyerbyos niyang sabi.

"Ohhh.... Isipin mo kung kailan mo nakita at kung saan. Kailangan na nating kumilos kaagad. Baka may madagdag nanaman na biktima."

Tumayo na ako at nilagay sa damitan ang box. Gusto ko na matulog. I'm so tired

SALA

"Hey, guys! Why don't we have a bonding? Masyado na kasi tayong naguguluhan sa mga nangyayari. Taas kamay ang mga sasama!!" masayang tanong ni Raquel.

"20 ang nagtaas so, majority wins. Sa mga ayaw sumama, lakamingpake sainyo. Hehe." pagsang-ayon ni Jonathan.

Nagpalumbaba na lang ako. Bakit ba? Gusto ko gayahin 'yung sa pera. Saan nga ba 'yun? 500, 100? Ay ewan!

"Saan naman tayo?" excited na tanong ni Macy.

"Doon na lang tayo sa beach. Tianatamad ako." si Jason.

"Geh. Geh. Bilisan niyo. Doon ulit tayo sasakay sa bus. Mag-ayos na kayo ng gamit niyo." pagmamadali ni Rachel.

BUS
Nandito ako ngayon sa bus, naghahanap ng upuan.

"Duck you ka, Bryan!! Muntik pa akong matusok ng bakal!!" rinig kong sigaw ni Betriz.

Ako na lang ang walang maupuan. Lalakad na sana ako ng may humawak sa kamay ko.

"Tabi tayo. Puhleeeease?" sabay puot. Si Christoff 'yan.

Hihilahin na sana ako ni Christoff ng may humawak sa kabila kong kamay. Si Xyrus.

"No! Dito ka. Mas malamig dito." ngumiti siya.

BEACH
"Wohooooo!!!" sigaw ni Raquel. Napaka-childish. Haha.

Mabilis silang nag-hubad ng damit. So, nakasuot sila ng swimsuit sa loob? Ayoko mag-swimming. Baka pagsuotin nila ako ng swimsuit.

"Hey, ba't ayaw mo mag-swimming? Takot ka ba sa tubig o.... 'Di ka marunong lumangoy. Hayaan mo, nandito lang ako." sumulpot bigla si Christoff.

"Manahimik ka. Marunong akong lumangoy. Lunurin kita diyan, eh." badtrip na sabi ko.

"Affected much ka pa din sa nangyari kahapon? Huwag kang mag-alala, gagawin ko din sayo 'yun. Sooner or later." nagtaas-baba pa siya ng kilay.

Tsk. Bahala ka diyan.

"Oy, sandali!! Nagjo-joke lang naman ako, eh. Bumalik ka dito! HOOOOOOY!!" napatingin lahat ng tao sakanya. Psh!

***

Nandito ako sa parang kubo. Kasama ko sila Raquel. Nagkukulitan lang sila.

"Ba't 'di ka nag-swimsuit? Sayang nam---- Aray!! Bakit ka nambabatok?!" daing ni Bryan.

"Manyak ka talaga!" si Raquel.

Tumayo si Raquel para kumuha daw ng juice. 'Yung iba naman, busy sa pakikipagdaldalan. Yumuko ako at nakakita ng isang kumikinang. Ano 'to?

"Kwintas!? Bakit parehas nung sa box?!" muntik na akong mapasigaw sa gulat.

Bubuksan ko na sana 'yung kwintas ng may humablot.

"It's mine! Bakit na sayo?!" inis na tanong ni Raquel.

Mas lalong lumaki ang mata ko. Hindi kaya?!

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon