18 - Truth Or Dare

2.2K 57 5
                                        

Chapter 18: Truth Or Dare

Aeiou's P.o.V
"AAAAAAAAAAACHING!!!"

Napa-tingin kaming lahat kay Jason. Kahapon pa siya bahing ng bahing. Si Raquel, tinatawanan lang siya.

"Bwiset na killer 'yan!! Kung papatay siya, da't agahan niya. Hindi 'yung----OUCH! BA'T KA NAMBABATOK" sigaw niya. Binatukan kasi siya ni Shekaila. Malakas pa naman.

"Adik ka talaga! Isunod ka ni Xyrus diyan, eh. Makita mo."

Natahimik kami nang biglang bumaba si Xyrus.

"Ba't nanahimik kayo?" walang emosyong tanong niya.

Walang sumagot ni isa. Tatawagin na ko na sana siya. Pero, mabilis siyang naka-akyat. Ibang-iba na siya sa dating Xyrus. Yung Xyrus na pala-tawa at pala-ngiti. Sana pala sinikreto ko na lang 'ung tungkol sa fingerprint. Naguiguilty ako. I'm sorry, Xyrus.

Napalingon ako kay Betriz dahil sinadya niya akong banggain. Naka-pulupot nanaman 'ung kamay niya sa braso ni Christoff. Argh! Kotongan kitang tarsier ka!!

"Huwag kasing humarang sa daan. Anla---" pinutol ko sasabihin ni Christoff.

"ANG LAWAK-LAWAK PALA TAPOS BABANGGAIN NIYO KO?! ANO 'TO LOKOHAN?!" bwiset kong sigaw.

Binigyan ko sila ng matalim kong titig. I will never forget this day. Bwiset!

ROOM
"Waaahh!! Tumapat saakin! Anduga mo!! Tinadyakan mo, eh!!!" sigaw ko.

Kasalukuyan kaming nag-lalaro ng truth or dare. Kaya ako sumisigaw dahil sinipa ni Jonathan 'ung bote kaya tumapat sa'kin.

"Hinde! Wala ng bawian!! Truth or dare?" tanong sakin ni Bryan.

"Anduga!! Dapat kay Vyn 'un, eh!! Dare na nga lang. Huhuhu!"

"Dare? Amh.... Tawagin mo si Xyrus at Christoff. Papuntahin mo sila dito." wews! Akala ko kung ano.

"1 minute lang dapat." Luh?! Ba't may timer?!

"Bakit---"

"GO!!" k, no choice.

Mabilis akong tumakbo. Ayoko maparusahan, noh! Nasaan na ba si Christoff?! Teka... Ayun!

"Yeah. Hindi na niya ako pinapansin kaya hindi ko na din siya pinans---"

"CHRISTOFF!!" malakas kong sigaw.

Parehas silang napa-tingin ni Betriz. Napa-hawak ako sa tuhod ko. Kapagod!

" Oh well, what are you doing---"

"Sandali!! 'Wag ka munang epal. Hiramin ko lang 'ung BF mo!! Sandali lang 'to. PRAMIS!" tsaka ko hinawakan sa wrist si Christoff at tumakbo pabalik.

"Whahahaha!! Pangit mo, Aeiou." asar ni Raquel. Mas pangit ka. -.-

Binitawan ko si Christoff at umakyat.

"30 SECONDS LEFT!!" sigaw ni Jason.

Liliko na sana ako. Pero....

*blag!*

Ouch! Noo ko!! :

"Huy, ba't mo hinahalikan 'ung pinto?" rinig kong tanong ni Xyrus.

"Tara, Xyrus." hinawakan ko din 'ung wrist niya at tumakbo pababa.

"Time's up! Woooh! Sakto." sigaw naman ni Roy.

Hays. Buti na lang may lahi akong kabayo. Charr--

"Tapos na ang dare. Akin---"

"Hep, hep, hep! 'Di pa tapos. May follow-up dare pa kami." pigil sakin ni Raquel at binalik ako sa pwesto ko.

"Duh. Epal kayo." reklamo ko.

"Ano bang klaseng kalokohan 'to? Truth or dare lang pala, dinamay niyo pa 'ko." reklamo din ni Xyrus.

"Yeah, what a waste of time." si Christoff 'yan.

"Tutal, nandito na kayong dalawa, dini-dare din namin kayo. You'll confess to her." naka-ngising sabi ni Jonathan.

"Pfft! Anong iko-confess?" natatawang tanong ni Christoff.

"Anything. Mauna ka na Xyrus."

Luh? Takte 'tong mga 'to. Kokotongan ko silang anim diyan, eh.

Nanahimik ang sala. Hinihintay naming mag-salita si Xyrus.

"I'm.... Not the killer."

Nanlaki ang mata naming lahat sa sinabi niya.

"Aeiou, trust me, I'm not the killer. May magaling lang na mapag-panggap dito saatin. Do you want to know who's that? He's the friend of yours. Ay mali--- lahat pala tayo. He's using everyone. Tauhan niya..."

Napatigil siya bigla sa pag-sasalita. Sinapak siya ni Christoff!!

"Christoff, ano ba 'yan!!!" sigaw ko at tinulungan kong maka-tayo si Xyrus.

"Are you afraid to hurt me so you used Christoff? Magaling ka lang pala sa patayan. Pero, duwag kang ilantad ang sarili mo. Come on, Xylan! Grow up! Ako nga inako ko pa 'ung kasalanan mo. Tinanggap ko lahat 'ung masasakit na salitang binibitawan ng lahat. Xylan, walang sikretong hindi nabubunyag." naka-ngising sabi niya.

Xylan?! Buhay si Xylan?! Pero, paano?!

Xylan's P.o.V
Napaka-daldal!! Argh! Sana pala, hindi na kami nag-laro ng truth or dare. This was a very bad idea!!

"Xylan?! Paano siya buhay?!" naguguluhang tanong ni Aeiou.

Aww... wala pa din siyang idea kung sino ako. Hayaan niyo, makikilala niyo na ako at mapapasakin na si Red ng tuluyan. Just wait, mag-kikita-kita din tayo sa impyerno. It's sooner or later.  :)

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon