17 - Sewer

2.3K 52 1
                                    

Chapter 17: Sewer

Aeiou's P.o.V
Ang lakas ng ulan. Bakit kasi 'di nila binubuksan 'ung TV? 'Di ko tuloy alam na may paparating palang bagyo.

"Guys, we need to find Queen!! Sige na? Please!!" rinig kong pagmamakaawa ni Patricia.

"Patricia, malakas ang ulan. At tsaka, baka naka-byahe na siya?" pag-pigil ni Rachel.

"Oo nga. Magiging ligtas siya. I promise."

Kanina pa iyak ng iyak si Queen. Si Russell, nag-lock ng pinto. Samantala, si Shekaila, nag-mumukmok sa sulok.

"How can you be sure? Rachel, takot na takot na ako." pagkatapos, humagulgol siya.

"AAAAAAAHH!!"

Nagulat kaming lahat nang biglang namatay ang ilaw at kumulog ng malakas.

"Argh. Akala ko kung ano!" rinig kong bulong ni Russell sa likod ko.

Bumaba na ako para damayan sila. Nasaan ba si Christoff?

"Uy!"

"Ano ba?! Ba't ka nanggugulat?" inis kong tanong.

"Wala lang. Trip ko kasi manakot."

Nagulat kami ng bumalik na ang ilaw. Paano 'di magugulat? Bigla-biglang bumubukas.

"Ok guys, let's split up! Hanapin natin si Queen. Malamang, hindi pa siya nakaka-layo dahil malakas ang ulan at mahirap mag-hanap ng sasakyan." sabi ni Christoff.

"Macy, Betriz, Aeiou, Patricia, ako, Vyn, Roy at Raquel, doon tayo sa kaliwa. The rest, sa kanan. Tara na!!"

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Raquel. Ok, no choice.  

Aeiou's P.o.V
"QUEEN!!!" tawag ni Patricia.

Dalawang oras na. Pero, wala kaming Queen na nahahanap. Maski, anino.

Nagulat ako ng bigla akong banggain ni Christoff.

"Tsk. Harang sa daan." cold niyang sabi.

Nagulat ako sa inasta niya. Kani-kanina lang, sunod siya ng sunod. Pero, ngayon... tss... hayaan ko na nga.

Napatingin ako kay Betriz dahil bigla siyang pumulupot sa braso ni Christoff. Wow!! PDA!!

"Matagal pa ba tayo, BABE? Masakit na kasi 'ung paa ko, eh." malanding sabi niya. Tinignan niha pa ng ako nung sinabi niya 'ung 'babe'. The hell I care?

Nagulat ako ng akbayan ako ni Raquel. Ano ba 'to?!

"Huwag mo pansinin si Betriz. Kalandiang taglay kasi." natawa ako ng mahina sa huling sinabi niya. Truth hurts.

Nag-patuloy lang kami sa pag-lalakad. Hindi ko na tinanggal ang pagkakaakbay ni Raquel. Ok lang naman, eh.

"Wala pa ba tayo? I'm so tired na. Babe, can we rest just a minute?" maarteng sabi niya. Psh! Maka-conyo. Mas maarte pa siya kay Kris Aquino.

Huminto kami sa pag-lalakad. Pagod na din kasi 'ata sila Patricia. Nilapitan kami ni Vyn at Roy.

"Nawala nga si Desiree, pumalit naman si Betriz. Hay, buhay nga naman talaga." panimula ni Vyn habang naka-tingin kay Betriz.

"Yeah. Dapat sa mga ganyan, binubura sa mundo." matawa-tawang sabi ni Raquel.

Napa-tingin kaming tatlo sakanya. What does he mean?

"I--ibig kong sabihin, dapat, wala na ang mga ganyan sa mundo. Dapat, binabago nila ugali nila. Hehe." nininyerbyos niyang sabi.

"Wait lang. Bili muna ako maiinom." sabi ni Christoff.

"Sama ako, pars." singit ni Raquel at tumakbo sa kinaroroonan ni Christoff.

Nagkatinginan kamin tatlo. Nag-kibit-balikat lang si Roy.

Killer's P.o.V
Nasaan na si Queen? Bwiset!! Kailangan ko siyang mapatay. Nakita niya ako kanina. Papatayin ko siya bago ako mabunyag.

Napa-tigil ako sa paglalakad ng makita ang babaeng naka-talikod. Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Oh? A---anong ginagawa mo dito? Pa--paano mo ako nahanap?" sunod-sunod niyang tanong.

"No comment." huling sinabi ko at tinaga siya.

Patuloy lang ako sa pag-taga sakanya. Dahil umuulan, umagos kaagad ang dugo niya pababa.

Tumigil na ako. Magkakahiwalay na ang bawat parte ng katawan niya. Hindi na din makilala ang mukha niya dahil puro sugat na ito.

Aeiou's P.o.V
Nasaan na ba 'ung dalawa? Uhaw na uhaw na daw ang 'flirt princess' namin. Pfft!

"AAAAAAAAAHH!!!"

Agad napa-balikwas si Roy sa hinihigaan niyang bench. Paano siya naka-higa? Nilagyan niya ng plastic 'ung bench tapos dinoble na 'yung rain coat niya. May hawak-hawak pa nga siyang payong para daw hindi mabasa ang gwapo niyang mukha.

Back to the story, napa-takbo kami sa pinang-gagalinan ng malakas na sigaw.

"Hey, anong nangyari?" tanong ni Vyn.

Hindi nag-salita si Bryan at nag-turo lang. Nilapitan namin kung ano 'yun at nagulat.

No! Paano?

"Hala! Anong nangyari?!" napa-tingin kami kala Raquel at Christoff.

Don't tell me......   

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon