Chapter 6: Bullied
Aeiou's P.o.V
"Anong nangyari sa babaeng 'yan? Baka naman gumagawa lang 'yan ng scene?" narinig ko 'yung mga pagtatalo.
"Shut up, Queen! Hindi ko din alam kung bakit siya nawalan ng malay."
Dahan-dahan kong dinidilat ang mga mata ko. Kumikirot pa din 'yung ulo ko. Nang nadilat ko na ng tuluyan, nakita ko silang lahat na nagkukumpulan sa kitchen. Nasa sofa pala ako.
"Nawalan ng malay? Ano bang nangyari ha?! Baka naman may ginawa kang masama?!" bulyaw ni Jason kay Christoff.
Hayst. Nang dahil sakin, pati si Christoff nadadamay. Tumayo ako kahit na masakit pa 'yung ulo ko.
"Stop it, guys. Walang ginawang masama si Christoff."
Napalingon silang lahat sakin. 'Yung iba ang sama ng titig sama mo na si Betriz. Pero, 'yung mga boys na kasama ko tumawa kanina, alalang-alala sila.
"Ok ka na ba? May masakit ba sayo? Kung meron, dalhin ka na namin sa clinic?" OA na tanong ni Raquel. Kahit kailan talaga. -_-
"OA mo naman! Pero, ok ka na nga ba talaga?" -Russell.
Tumango ako. Napalingon kami kay Desiree dahil bigla siyang nag-walk out. Anong problema 'nun?
"Tsk. Uminit 'yung ulo. Sabagay, ahas kasi 'yung isa diyan." bulong ni Beah na narinig ko pa din.
"Puntahan ko lang si Desiree, ah! Tinopak 'yun, for sure." matawa-tawang sabi ni Russell at pumunta sa kwarto nila ni Desiree.
Something's fishy. Parang meron sa kanilang dalawa na namamagitan. Possible kayang mag-BF and GF sila?
Bumalik na ako sa kwarto namin. Ang dilim na. Alas-sais na pala. Binuksan ko muna 'yung bintana at dumungaw. Napaka-peaceful naman dito. Nakita ko 'yung mga boys na nagsi-swimming. Hindi man lang nila kasama 'yung mga girls. Napalingon ako sa pinto nang may magbukas nito.
"Oh well, look who's here." si Betriz 'yan.
Lahat ng girls nandito sa room namin. Ang sasama ng tingin nila sakin.
"Kaladkarin niyo siya sa cabin. Doon tayo dumaan sa backdoor." utos ni Betriz.
Teka, sa cabin? Masyadong malayo 'yun! Nilapitan ako ni Tina at Patricia at sinimulan na akong kaladkarin.
"Bitawan niyo ako! B---...."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lagyan ni Aila ang bibig ko ng duct tape. Ang sama nila! Wala silang kasing-sama!!
CABIN
Tinulak nila ako para mapaupo ako tapos hinila nila 'yung duct tape kaya naman napasigaw ako.
"Serve's you right. Hahaha!!" sabi ni Josepha at nag-tawanan ang lahat.
Naiiyak na ako. Gusto ko na sumigaw. Sino na ang tutulong sakin? Sana nandito si Christoff o kaya si Xyrus.
"Gawin niyo na ang gusto niyong gawin. Lubos-lubusin na natin 'to para maipaghiganti natin sila Jezzy." pagkatapos ay humalakhak ng nakakatakot si Betriz
"You're right!" nakangiti si Rachel.
Napa-aray ako ng hatakin ni Shekaila ang buhok ko. Hindi pa sila nakuntento at sinipa ako sa ulo na ikinadugo agad ng ilong ko. Tama na.
"Stand up, bitch." utos sakin ni Desiree.
Hindi ko siya sinunod. Sa halip, tinitigan ko lang siya ng masama habang pinupunasan ang dugo sa ilong ko.
"Ayaw mo ako sundin, ah! Macy at Josepha, hawakan niyo siya!" utos niya sa dalawa.
Nakita ko si Casey na bini-videohan kami. Binuhat ako ni Macy at Josepha at hinawakan ang magkabilang braso ko. Nang makatayo ako ng tuluyan, sinikmurahan ako bigla ni Desiree kaya naman napa-ubo ako at napa-dura ng dugo.
"Go, Desiree! Hahaha! Lakasan mo!!" pagchi-cheer ni Betriz.
"Bitawan niyo siya, guys. Gagawin natin siyang...... HALO-HALO! HAHAHAHA." malakas na sabi ni Tina at sinabayan pa ng malakas na tawa.
Nilabas niya na 'yung garapon sa bag niya. Gaya ng sabi niya, nakita ko 'yung iba't-ibang sangkap na ginagamit sa halo-halo. Una niyang tinapon sakin 'yung yelo. I hate this. Naiiyak na ako. Sunod-sunod na niyang tinapon sakin 'yung mga sangkap. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Parang ulan na bumabagsak isa-isa ang mga luha ko. Giniginaw na ako.
"Hahaha! Iyak siya, oh! Dali, picturan niyo. Pwede 'yang gamitin na pang-blackmail!" masayang sabi ni Aila.
Sunod-sunod na ang flash ng camera na nakikita ko. Ayoko na. I just want to die. I just want to die peacefully.
Iniwan nila ako dito. Basang-basa at umiiyak. Sana masaya na sila.
Aila's P.o.V
Hahaaha! Buti nga sakanya. She's a pakelamera at ahas. Ahasin ba naman lahat ng boys? Badtrip tuloy si Desiree. Nandito ako sa room namin. Buti na lang talaga, wala ang mga boys. Kung hindi, baka napahamak kami.
"Guys, nakita niyo ba si Aeiou? Kanina pa ako paikot-ikot dito sa cottage. Seriously?!" nababadtrip na tanong ni Christoff. As if, we care.
"Ewan. Baka nagmuni-muni lang? 'Lam mo na 'yun, may pagkalakwatsera minsan." matawa-tawang sagot ni Josepha. Alam naman naming girls na nakikipag-plastikan lang si Josepha kay Christoff.
"Hays. Tama ka. Sige, antayin ko na lang." halatang nag-aalala siya. Bakit? Sino ba siya para mag-alala?
Umalis na siya at naiwan kaming girls dito sa sala. Ang tahimik namin. Walang nag-sasalita.
"Guys, tama ba 'yung ginawa natin? Parang feeling ko mali tayo." panimula ni Queen.
"Ano ba naman, Queen?! Tapos na. Nangyari na. Tapos ngayon mo lang naisip 'yan? Queen, just shut up. Baka malaman nila na tayo ang dahilan kung bakit wala si Aeiou ngayon." medyo napalakas na 'yung boses ni Betriz dahil sa inis niya.
"Betriz's right. Nangyari na. Hindi na natin mababalik at hinding-hindi na namin kailangan ibalik." pagsang-ayon ni Patricia.
"Ah basta! Bahala kayo mag-away diyan! I'm going back to my kwarto. K, bye." mataray na sabi ko at umakyat na.
Second floor pa kasi 'yung room namin. Da't first na lang. Naalala ko si Chelsea. Buti nga sakanya. She's so epal kasi. She deserves that.
Nang makarating ako sa second floor, biglang may kumalabog. What's that? Umiling ako. It's nothing. Lumakad na ako papunta ng room namin. Bago ako makapunta sa room namin, may humatak sakin papunta sa room nila Christoff.
"S--sino ka?" natatakot na tanong ko.
It's dark. Wala akong maaninag. Natatakot na ako. Ano ang mangyayari?
"Shut up. You deserve this." nagulat ako sa sinabi niya.
Naramdaman ko na nawala ang hawak niya sa braso ko. Tumakbo ako sa direksyon ng pinto. Pipihitin ko na sana 'yung doorknob. Pero, nakaramdam ako ng matalim sa likod ko. Nagsimula ng tumulo ang dugo ko. Nanlalabo na ang paningin ko.
"Goodbye, Aila."
And everything turned black.
BINABASA MO ANG
Obsessed
TerrorOnce he fell in love, you can't conceal yourself even in the depths of hell. Prepare to experience his dangerous love. He's obsessed with you.