14 - Memories

2.4K 57 1
                                    

Aeiou's P.o.V
*blag!*

"Russell! The hell, bakit ka nag-dadabog?! Paano 'pag nalaman ng magulang ni Aila ang lahat ng 'to?" gulat na tanong ni Queen.

"ARGH!! WALA NA SI NICHOLE PATI BA NAMAN SI DESIREE?! ANONG KABABALAGHAN ANG MGA NANGYAYARING 'TO?! HINDI NA BA MATATAPOS 'TO?!" naiiyak na sigaw ni Russell.

Kagabi pa siya ganyan. Hindi namin siya mapigilan sa pag-dadabog. Nasigawan niya pa si Roy.

"Russell, walang magagawa ang pag-dadabog! Kahit mag-laslas o ipagsigawan mo pa sa mundo 'yan, walang mangyayari. Russell, move-on." pag-papakalma ni Josepha.

"Yeah. She's right. Nangyari na. Wala na tayong magagawa." pag-sang-ayon na lang ni Beah.

Napa-angat ng tingin si Russell. Tinignan niya ako ng sobrang talim. Parang gusto na niya akong patayin. Nagulat ako ng bigla niya akong sakalin. Hindi ako maka-hinga!!

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na silang dalawa!! You're a criminal. You're a demon! I hope you will die." galit na galit na sabi niya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya upang tanggalin iyon sa leeg ko. Pero, walang nangyari dahil masyado siyang malakas.

"Ru---Russell.... I--I.... I can't... breath." hirap na hirap kong sabi.

Unti na lang at mawawalan na ako ng malay. Hindi niya ako pinakinggan at mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal sakin.

"RUSSELL!!" nagulat na sigaw ni Christoff.

Sinapak siya ni Xyrus kaya naman nabitawan niya ako. Mabilis akong humihinga.

"Dakyu!! Muntik mo nang mapatay si Aeiou!!" galit na galit na sigaw ni Xyrus.

Tinulungan akong makatayo ni Christoff. Halatang-halata sa mukha niya na nag-aaalala siya.

"Hey, Xyrus. Tama na." pigil ni Betriz.

She's flirting him! Sa paraan pa lang ng pag-hawak niya, halatang-halata na.

Nilingon ako ni Betriz. Naka-ngisi siya. Sabi na nga ba. Binigyan ko siya ng masamang titig.

Nagulat kaming lahat ng itulak siya ni Xyrus at umalis. Pati nga siya nagulat. Well, she deserves that.

"Tara na sa room. Mag-pahinga ka muna." yaya ni Christoff. Tinanguan ko siya.

ROOM
"Ok ka na ba? Wala bang masakit sayo? Nakakahinga ka na ba ng maayos? Ano? Sumagot ka naman!" OA na tanong ni Xyrus.

Masyado naman 'to.

"Yup. Ok na ako." at tsaka nginitian 'yung dalawa.

Ginulo ni Xyrus 'yung buhok ko. Napalaki naman mata naming dalawa ni Christoff.

"Good. Kasi kapag hindi ka pa ok, bubugbugin namin ni Christoff si Russell." naka-ngiting sabi niya.

"Ikaw na lang. Ayoko mapa-away, noh!" natawa ako sakanilang dalawa.

"Nag-sorry na ba kayo sa isa't-isa?" tanong ko.

"Huh?"

"Naalala niyo 'yung nag-away kayo? Diba sinapak mo si Chrstoff?" sabi ko habang naka-tingin kay Xyrus. "Tapos ikaw, sinabi mo...." napatigil ako sa sasabihin ko. Paking tape, naalala ko.

"The what?" naiinip na tanong ni Christoff.

"Hehe. Wala. Ang mahalaga, ok na kayo." pag-papalusot ko. Nakakahiya sabihin.

"Ah... k. Nakita ko 'yung tingin mo kanina kay Betriz. Nag-seselos ka ba?" hala! Nahalata ni Christoff?

"Ah... eh..."

"Ih, oh, uh? Wag mo banggitin pangalan mo." natatawang biro ni Christoff. K.

"Oo. Nag-selos ako---"

"Yiiiieee! Tologo?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Raquel.

"Oo. As a friend."

Narinig kong napa- 'Pfft!' si Christoff. Napatawa naman ng malakas si Raquel.

"Hello? Nandito pa po ako." pag-papaalala ni Xyrus.

Natahimik ako nang biglang sumakit ang ulo ko.

"Red!" napalingon ako.

Nasaan ako? Puting-puti ang paligid. Pumasok ang lalaki. Wait! Si Xylan!! Nilapitan niya ako. Luminga-linga ako at nakita ang salamin sa gilid ko. Bakit ako nasa katawan ni Red?!

"It's been a year, Red." napalingon ulit ako sakanya. Ba--bakit kamukha niya si.... Xyrus?!

"Teka! Hindi ako si Red! Ako si Aeiou!!" sigaw ko sakanya. Umiling lang siya.

"Ano bang pinag-sasabi mo? Na-coma ka lang, iba na 'agad ang pangalan mo? Pfft! What a nice joke?" matawa-tawa niyang sabi.

Anong naka-coma?! Anong iba na ang pangalan ko? Tumingin ulit ako sa salamin, teka! Ako pa din 'to!!

"Teka, Xyrus! Hindi ikaw si Xylan ikaw si Xyrus!!" sigaw ko.

"No! I'm Xylan. Ano bang sinasabi mo?! Sino 'yang Xyrus na 'yan, ha?!" naiinis na tanong niya.

"Bakit mo tinatanong kung ikaw 'yun?! At tsaka, paano ka nabuhay?! Akala ko patay ka na?!" naguguluhang tanong ko.

"Well, as you can see, na-50/50 ako. Buti na lang at nakita ako ng kapitbahay. Then, he rescued me. Pina-transplant nila ako ng puso. Straight to the heart kasi 'yung bakal. Then after one year, nagising ako. Buti na lang at hindi nawala ang memorya ko. Hinanap kita. Kahit saan pumunta ako. Araw at gabi, hinanap kita. And then I met Brian. Sabi niya, nurse daw siya sa hospital na 'to. Nalungkot ako ng malaman kong 6 years ka ng comatosed. But now, gising ka na. Pwede na tayong mag-sama ulit. We can be together." naka-ngiting sabi niya.

Comatosed? Ako? And who's that Brian? Mag-tatanong pa sana ako ng biglang nag-lalabo ang lahat. Wala na akong maaninag. Hanggang sa...

"AEIOU! AEIOU!! Oh thank god! Buti nagising ka na. Sobra kaming nag-alala sayo. Are you feelin' alright?" tanong ni Raquel.

Argh! Sakit ng ulo ko. Well, this sucks. Nasaan na ako? Ay... nandito pala sa room. Akala ko, hindi na ako magigising.

"Tell me, Aeiou. What happened?" nag-aalalang tanong ni Xyrus.

"Wala. Ok na ako." at tsaka ngumiti.

"HELLER, GUYS?! KAIN NA PO. GUTOM NA AKES. BABA NA!!" patawa ni Jonathan.

Hays. That dream is haunting me.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon