Chapter 1: Transferee
Aeiou's P.o.V
This is it, pansit! Alam kong two weeks na lang at bakasyon na, pero, gusto ko talaga mag-transfer at tsaka, ito naman din yung gusto nila mommy.
By the way, ako nga pala si Aeiou Mekayla Collins. Yah! Vowels ang pangalan ko, pero, pronounced na AU. Mabait ako, palakaibigan at tsaka I want a boy bestfriend! Ewan ko ba kung bakit, pero, basta! Gusto ko lang talaga.
Pumasok na ako sa loob ng principal's office. Ermahgad! Ang ganda naman pala dito. Nakita ko yung principal na nakatingin sakin. She's beautiful and maganda yung fashion sense. Ako kasi, para akong nerd na hindi mapaliwanag. Nag-bow ako sa harap niya.
"Ohayo gozaimas! Ako nga po pala yung transferee dito. Aeiou Mekayla Collins nga po pala. Gusto ko lang po malaman kung saan yung magiging room ko." pagkatapos ay ngumiti ako ng ubod ng tamis at binalikan naman ako ng ngiti ng principal. Ang ganda niya talaga! Siguro mga 25 lang siya.
"Ahm... ganun ba? Here's the folder. Nandiyan na lahat ng schedule mo. Do your best for the next school year." ngumiti nanaman siya at lumabas yung malalim niyang dimple. Oh my goodness! Oy, hindi ako nati-tibo ah.
Lumabas na ako habang naka-ngiti pa din. Binuksan ko ang folder ko at....shuqs....Math yung una. -__- . Ok lang 'yan. Nandito na din ako sa wakas. Lahat naman sila napatingin sakin nung buksan ko yung pinto. Bakit? May dumi ba sa damit at mukha ko?
"Oh! Siya pala yung transferee. Inferness, maganda naman. Kaso, mukhang aahasin niya lang 'yung mga BF natin." parinig ng isa sa dulo.
Nawala ang matamis kong ngiti. Ang sama naman niya. Purket maikli lang yung palda na binigay sakin, ahas agad? Mas maikli pa nga 'ata yung kanya. Humanap na lang ako ng upuan kesa naman makipag-away pa ako sakanya. Pumasok na ang first lecturer namin.
"Ok class. Meron nga pala tayong transferee. Pwede bang tumayo ka at ipakilala mo ang sarili mo?"
Great! Nanotice pa ako. Bad mood na nga ako, mag-papakilala pa ako. Tumayo na lang ako para matapos agad.
"Hi, I'm Aeiou Mekayla Collins. Sana, maganda ang magiging memories ko dito sa mga susunod na araw at next school year. And---" naputol ang sasabihin ko ng may nag-salita.
"Oh well, magiging maganda nga. Kasi may bago nanaman kaming mapagti-tripan." sabay apir sa mga kaibigan niya. Napupuno na ako!
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Ang lecturer pala. Nginitian niya lang ako at ibinalik ko sakanya. But, it was fake.
"Ok lang 'yan. Parehas tayong nabubully ng mga 'yan. We're in the same age. Working student ako dito at pinapayagan nilang mag-turo ang mga scholar na katulad ko. By the way, I'm Chryxsanne Aizelle Sakura." nginitian niya ako ng ubod ng tamis at pinaupo na ako.
Malapit na sana ako sa upuan ko ng patirin ako nung babae kaya nag-tawanan ang lahat. Tatayo na sana ako ng itulak naman ako ng mga boys kaya naman tumama ang ulo ko sa bakal na paa ng table. Naramdaman ko na may tumulo agad na dugo sa lakas ng impact. Tawa lang sila ng tawa ng may nagsalita.
"Stop. Masyado na kayong nasisiyahan sa transferee."
Napalingon kaming lahat. Lalake siya. He was wearing a poker face. Hindi ko alam, pero, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro, kinakabahan lang ako sa tingin niya samin.
"Wag kang makisali dito, Xyrus. We're having fun." pabirong sabi ng lalakeng katabi ko na naka-ngisi.
"Having fun? Eh? Kung ikaw iuntog ko, mararamdaman mo ba yung nararamdaman niya? She's hurt. Tignan mo yung noo niya, it's bleeding. Masyado niyo siyang pinapahirapan. Guys, it's her first day. Malapit na ang bakasyon, pero, hindi pa din kayo nagbabago. Stop it, guys. Just stop." naiirita niyang pagtatanggol sakin at kinuha niya ang backpack niya. Iniwan niya kaming tulala.
***
Nandito ako sa office ni Chryxsanne. Ininvite niya akong dito na mag-lunch. Tutal, wala naman ding ibang taong pumapasok dito.
"Woah! I can't believe na ipagtatanggol ka ng pinaka-cold at pinaka-silent type sa room niyo. Pero, ok na ba iyang noo mo? Kung hindi, lagyan na natin ng alcohol." pagbibiro niya sakin at sinabayan ng malakas na tawa.
"Cold at silent type? Really? First time ba 'to? At tsaka, 'wag na 'wag kang magkakamali na lagyan ng alcohol ang noo ko baka makalipad ka sa neptune. Tsk,tsk,tsk." pagbibiro ko din at umiling-iling pa.
"Hahaha. Joke lang naman. 'Kaw talaga. Pero, oo, first time niya talaga na may ipagtanggol siya. Nakakapagtaka talaga." sabay kamot ng ulo.
Nag-loading ako sa sinabi niya. Teka, naalala ko yung tibok ng puso ko kanina. Mabilis at malakas.
"Umh...Chryxsanne, kanina kasi, yung heartbeat ko hindi normal. Nung nakita ko siya, para bang bumilis yung tibok ng puso ko kanina. Tapos, parang may spark yung mata niya. Ewan ko, pero, ano sa tingin mo?" this time, ako na yung napakamot ng ulo. Oy, wala akes kuto,ah!
"Hala ka! Hindi kaya, pinanaan ka ni Cupid? Kayo pala? Aeiou, you're INLABABO!!" muntik na ako mapatalon dahil sa sigaw niya. Buti na lang nahawakan ko yung paa ng glass table niya.
Inlababo? Teka, alam ko meaning 'nun ah! Diba? Inlove meaning 'nun? Wah! Hindi ako inlove. Sisigawan ko na sana siya ng may bumukas sa pinto. Siya ulit.
"Oy, Xyrus! Bakit?" yung ngiti ni Chryxsanne, parang may gustong ipahiwatig.
May inabot siyang folder kay Chryxsanne. Siguro related sa math. Kumain na lang ulit ako ng tumingin si Xyrus sakin.
*Dug,dug*
Ito nanaman this. Heart, stop na! Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Lahat kami napatingin. Binuksan ko 'to.
'Who's that boy? Pinagpalit mo na ba ako? Don't you dare fall inlove with him!'
Oh! Si Stalker lang pala.
"Sino 'yan, Aeiou? Boyfriend mo noh?" tanong sakin na dahilan para umiwas sakin ng tingin si Xyrus.
"Nah. Yung peste sa buhay ko. Uy, babye muna. Malapit na mag-bell. Next time ulit." ngumiti ako kay Chrxsanne at pagkatapos nag-bow.
***
It's 11:30 p.m. Pero, hindi ako maka-tulog. Tadtad kasi ang cp ko ng text nung stalker na 'yun. Hindi ko din ma-silent kasi baka tumawag sila mama't-papa. Ang OA pa naman ng mga 'yun 'pag hindi ko sila sinagot agad.
'Stop it, Aeiou! You're hurting me!'
'Why can't you notice me?! Lagi na lang ako nagpapakita sayo pero ang bulag mo lang talaga.'Nilulubos-lubos na niya yung pag-text sakin. Bahala na nga siya diyan.
***
Papasok na ako ng school ng may tumulak sakin. Aray naman! Hindi pa ba sila kuntento sa nangyari kahapon? Maglalakad na sana ulit ako ng harangan ako nung babae kahapon. Tatlo pala silang magkakaibigan.
"Hi little bitchy, ang swerte mo naman. Pinagtanggol ka ni Xyrus. Ibully niyo nga din ako guys." natawa sila sa biro nung leader nila.
Napakunot ang noo ko ng makita yung malawak nilang ngisi. Don't tell me, papahirapan nanaman nila ako? Nag-transfer ako dito para sa pag-aaral hindi para i-bully.
"Oh come on! Pass muna kami sa pambubully sayo. Ahm... gusto ka lang naman namin iinvite sa vacation naming lahat. I'm sure, magugustuhan mo. Here's the information. Punta ka dito sa sunday kung interesado ka. K, bye. Sana pumunta ka." nag-flip hair muna siya bago umalis.
Pupunta ba ako? Friday na nga pala ngayon. May isang araw pa ako para magisip kung sasama ba ako. I think, sasama na lang ako.
Dumiretso na ako sa room namin at umupo na ng upuan. Sana, maging tama ang disesyon ko.
BINABASA MO ANG
Obsessed
HorrorOnce he fell in love, you can't conceal yourself even in the depths of hell. Prepare to experience his dangerous love. He's obsessed with you.