29 - Our Bloody Reunion

2.6K 43 3
                                        

(Aeiou in the multimedia.)

"Nak, bagay sayo! Simple. Pero mukha kang model!" masayang sabi ni mommy at ipinatong ang dress sa suot ko.

Hindi alam ni mommy. Hindi niya alam na may umuubos saamin. Ayoko namang sabihin sakanya. Dahil, baka atakihin siya sa puso sa pag-aalala.

"Mom, chill. Bukas pa 'yun. 'Wag ka namang mag-madali."

Hinawakan ko siya sa kamay niya at pinisil ng marahan.

"Mom, whatever happens, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Ngumiti ako ng peke. Peke dahil alam ko na ang mangyayari bukas. Ayoko namang hindi pumunta dahil baka malaman ni mom ang mga nangyayari.

Suminghot si mom.

"Bakit ka ganyan?! Bakit parang namamaalam ka? May ibig ka bang sabihin?" pinalo niya ang balikat ko.

"Mom, ang ibig kong sabihin, dahil sobrang ganda ko, baka itanan ako. You know, saan ba--- ARAY!"
ang sakit! Huhu!

"Sira! Akala ko kung ano na. Subukan mong mag-tanan, malalasahan mo ang kamao ko." pumorma pa siya na parang sasapakin ako.

"Heh! Wait... ba't amoy sunog?" nagtataka kong tanong.

"Naku po! 'Yung sinasaing ko!!" gulat na sabi ni mom at kumaripas ng takbo. WHAHAHA!!

***

"Umayos ka sa reunion niyo bukas, ha? 'Wag ka ding magpa-gabi." paalala saakin ni mom.

"Opo. Naku! Humanda ka--- AWWW!!!" Waahhh!! Onti na lang talaga at magka-crack na ang ulo ko. Pag-untugin daw ba ang ulo namin.

"Isa! Hindi talaga ako magdadalawang isip na ihampas ang ulo mo sa pader!" naiinis na banta ni mom.

"Joke lang! Payakap nga."

"Hmmph!" reklamo niya. Pero, nagpayakap din naman siya.

"Matulog ka na. Aayusan pa kita bukas." naka-ngiti niyang sabi at itinaklob sa katawan ko ang comforter.

"Love you, mom." naka-ngiti kong sabi.

"I hate you too."

"Mom!" naka-pout kong sigaw.

"HAHA! Love you very very very much!!" natatawa niyang sabi at kiniss ako sa pisnge.

Pinikit ko na ang mga mata ko. Sana, walang masamang mangyari bukas.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon