20 - Nightmare

2.1K 54 0
                                    

Chapter 20: Nightmare?

Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na hindi na ako kinakausap ni Xyrus dahil busy siya kay Macy. Ano na ang nangyari? 

"Xyrus---" hindi ako natapos dahil umalis 'agad siya.

"Xyrus, paabot nga nung plato." utos ni Macy at kinuha naman 'yun ni Xyrus.

Sabi ko nga! Ako na 'yung pinaka-lonely na tao sa mundo!

Lalakad na sana ako. Pero, may humila saakin at dinala niya ako sa sulok na madilim. Sino 'to?! Paano 'pag si Xylan pala 'to?! Bumilis ang pag-hinga ko. Para akong hinahabol ng isang libong toro.

"Uy, huminahon ka lang! Ako 'to si Christoff, ok?" sabi niya na dahilan para bumagal ang pag-hinga ko. Pew! Kinabahan ako.

"Ano ba kasing kailangan mo? Bakit kailangang mang-hila? Alam mo naman na masyado na akong natatakot sa mga nangyayari!" naiinis kong sabi.

"I know right. Gusto ko lang pag-usapan 'yung nangyari kanina. May kapatid ka pala? Bakit 'di mo sinabi sa'kin?"

Natahimik ako. Kailangan ba talaga sabihin? Naalala ko lahat ng sinabi saakin ni Betriz. Sino 'yung bumaril sakanya sa dibdib niya. 

"Ayoko na pag-usapan 'to. Sa tuwing naaalala ko lahat ng 'yun, bumabalik 'yung pag-kainis ko kay Betriz. Bwiset lang." 

Aalis na sana ako. Pero, pinigilan ako ni Christoff. ULIT.

"Huwag mo isisi lahat kay Betriz. Na-bully siya, nasaktan siya, at pinag-palit siya. Tao lang siya, hindi niy----" hindi ko siya pinatapos dahil nagalit na ako.

"HINDI SINASADYA?! ALAM MO BA 'YANG MGA SINASABI MO?! AKO DIN, NA-BULLY AKO 'DI BA?! SINAKTAN NIYA DIN AKO. PERO, BINARIL KO BA SIYA?! STOP ACTING LIKE YOU KNOW WHAT HAPPENED TO ME! MADAMI AKONG PINAG-DAANAN KESA KAY BETRIZ!! NARANASAN KO ANG DEPRESSION, NARANASAN KO ANG MAGING SUICIDAL. Christoff, just... just get out of my life. GET OUT OF MY FREAKING LIFE!!" sigaw ko at umalis na.

Hindi ko namalayan na naka-tingin na pala saamin ang lahat. Naramdaman kong may nakatitig saakin. Sinulyapan ko siya. Si Betriz. Pag-tingin ko sakanya, umiwas 'agad siya. Bwiset siya.

Tumakbo na ako palabas ng cottage. Ayoko muna sila makitang lahat. They're killing me. 

Huminto ako sa isang park. Abandonadong park. Kahit na creepy sa paningin ko, pumasok ako dun. Good thing, ayos na ayos pa ang swing. Umupo ako dun at hinayaan tumulo lahat ang mga pinipigilan kong luha. It's stupid that I'm weak. It's stupid that I'm drowning from myself. I hate my life.

"Aeiou." narinig kong tawag.

Inangat ko ang paningin ko at nakita si Macy sa harap ko. She's lookin' at me. She's worried. I can see it in her eyes.

"Bakit?" iniwas ko ang tingin ko.

Hindi siya sumagot at umupo sa katabing swing na inuupuan ko. Si-nwing niya ng onti ito at ngumiti ng malawak. What happened?

"Anong nangyari?" tanong ko sakanya.

"Nag-break na si Christoff at Betriz."

Nag-break? Naging sila ba? Akala ko pam-palipas oras lang ni Betriz si Christoff?

"Ba't ka natutuwa? 'Di ba kaibigan mo si Betriz? 'Di ba dapat nalulungkot ka?" sunod-sunod na tanong ko.

"Ba't naman ako malulungkot? Dapat lang sakanya 'yun. Malandi kasi siya." at tsaka nag-roll eyes. Akala ko naman papanigan niya pa si Betriz.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon