22 - Kidnapped

2.6K 49 2
                                    

Chapter 22: Kidnapped

Aeiou's P.o.V

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

Sabay-sabay kaming nagising nila Christoff. Nandito na kasi kami sa cottage dahil maayos na ang paa ko. 

Tinanggal ni Betriz ang blindfold niya at tumayo para sumilip sa bintana.

"Ano ba 'yun? Ke-aga-aga, ang daming kalokohan." naiinis na sabi ni Christoff at bumalik sa higaan.

Napa-tingin kami ni Betriz sa pintuan dahil bumukas ito. Nakita ko si Roy, hingal na hingal na akala mo nakikipag-habulan sa killer.

"Gu---guys, si--si Macy. Sh---she's dead." 

Napa-laki ang mata ko sa sinabi niya. B--bakit siya pinatay?

"LUMABAS KA XYLAN!! PAGBABAYARAN MO LAHAT NG 'TO! HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD!!" rinig kong sigaw sa baba.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Alam ko naman na ginamit niya ako para makalapit kay Xyrus. Yeah! Nung unang araw na nilapitan niya ako, na-sence ko kaagad 'yun. Kaibigan niya si Betriz. Malamang may pinaplano silang mapalayo ako kay Xyrus.

"WHAT?! Pa--paano?!" gulat ding tanong ni Betriz.

"Na--nakita namin 'yung garbage bag sa tapat ng pinto at may naka-sulat na 'User'. B--bumaba na lang kayo. Aawatin ko pa si Xyrus." naiiyak niyang sabi at umalis na.

Naiwan akong tulala. Xylan did this. Alam niya ang mga ginagawa nila saakin kaya pag-sinaktan nila ako, mamamatay sila. Natatakot na ako.

Nagulat ako dahil bigla akong binangga ni Betriz at lumabas. Siguro, sinisisi nanaman niya ako dahil namatay ang kaibigan niya. Gusto ko na malaman kung sino ba si Xylan para matapos na lahat 'to!

Lumabas ako ng cottage para makita ang katawan ni Macy. Pero, huli na ako. Kinuha na 'yun ng mga pulis at mabilis na umalis. Hays. Sana malaman nila kung sino ang pumatay kay Macy.

"Aeiou." tawag saakin.

Nilingon ko kung sino 'yun. Si Raquel lang pala.

"Pwede bang kausapin mo si Xyrus. Nagwawala na siya. Kanina nga, muntik na niya kaming mabato ng kutsilyo dahil sa galit. Please, Aeiou, tulungan mo kaming pakalmahin siya." pagmamakaawa niya tsaka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Napa-buntong hininga ako. Wala naman sigurong mangyayaring mali 'di ba?

Pumasok na ako sa loob at nakita ko silang nagkakagulo na. Nakita kong umiiyak si Betriz at pinapatahan na siya ni Shekaila. Hindi ko sila pinansin at umakyat na lang papuntang kwarto ni Xyrus. Sana, ok lang siya.

Pag-pasok ko sa kwarto niya, napatakip ako ng bibig. Si--si Xyrus!! Nag-laslas siya!! 

"HOMAYGOD?! GUYS, TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!" gulat na sigaw ni Rachel.

"HALA! Tara, tulungan natin siya!" tumango naman ang ibang boys.

Shit.

***

"XYRUS?! OK KA NA BA?!" OA na tanong ni Raquel.

Tumawa silang lahat maliban saakin. There's no time to joke around. Nakakatakot na ang susunod na mangyayari.

"Nasaan ako? Nasaan si Macy?" mabilis siyang tumayo at tinanggal ang mga nakakabit sa katawan niya.

Macy? Puro na lang Macy. Nandito naman ako.

Pina-kalma siya ng lahat at inupo ulit sa kama. Nung una, ayaw niya pa. Pero, hindi sumuko ang iba at pinilit siya. Nilingon niya ako. Nagulat siya.

"Aeiou!" sigaw niya at nilapitan ako at niyakap.

"Ok ka lang?" tanong niya at tumango ako.

Napa-tigil ako. Ba't ganun? Parang may naka-tingin saaming lahat? Teka, nasaan si Christoff? 

"Wait lang, Xyrus. Bibili akong tubig." pag-sisinungaling ko.

"Ah, sige." nginitian niya ako at ibinalik ko din sakan'ya.

Lumabas na ako ng room niya at nilingon-lingon ang mga daan. Nakita ko ang likod ni Christoff. Siya nga 'yun! Mabilis akong tumakbo papuntang direksyon niya. Pero, nag-lakad lang siya at hindi ko nasundan. Bwiset! Saan siya pumunta?

Tumakbo na ako at tinitignan ang bawat daanan. Pero, walang anino ni Christoff ang nakita ko. Saan ba siya pupunta? Lalakad na sana ako. Pero, may tumakip saakin ng panyo.

"We're going home." huling narinig ko at nahimatay na.

***

Unti-unting nagmumulat ang mga mata ko. Bakit ang dilim? Nasaan ako? Napa-lingon ako sa may direksyon ng pinto. Unti lang ang ilaw na pumapasok dito kaya paa lang ang nakita kong lumalapit saakin. Tumingala ako, saakin lang naka-tapat ang ilaw.

"Are you awake, my dear?" nagulat ako sa boses. Parang, may kaboses siya.

"Nasaan ako? Please, pakawalan mo ako!" pag-mamakaawa ko.

Tuluyan na siyang naka-lapit. Naka-face mask pa din siya. 'Yung mga mata niya, parang pamilyar.

"No. Not gonna happen. Wala ka bang natatandaang special sa araw na 'to?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko. Iniwasan ko 'agad 'yun.

"A--anong special? Please, sabihin mo." naiiyak kong tanong.

"Malalaman mo din mamaya." at tsaka umalis na.

Napa-iyak na lang ako. Natatakot na ako. Anong gagawin niya sa'kin?

***

Xyrus's P.o.V

"GUYS! NAWAWALA SI AEIOU!" sigaw ni Raquel.

Pati ba naman si Aeiou?! Argh! Mapapatay ko na talaga si Xylan!!

"Diba sabi niya bibili lang siya ng tubig?" tanong ni Betriz.

"Hindi. Malamang nag-sinungaling siya." kalmado. Pero, nag-aalala na sabi ko.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kailangan kong mahanap si Aeiou! Baka mapahamak siya!

Nilapitan ko ang nurse na nag-lalakad. Malamang nakita niya si Aeiou.

"Miss, nakita mo ba 'yung babaeng maputi, may katangkaran at naka-suot ng dress na black?" mabilis kong tanong. 

"Hindi po, sir. Mag-tanong na lang kayo sa iba." sabi niya at nag-lakad na ulit.

Napasabunot ako sa buhok ko. BWISIT!! PAPATAYIN TALAGA KITA XYLAN!!

"AAAAAAAAAAAAAAH!! TULONG! TULUNGAN NIYO SIYA!!!!!" narinig kong siyaw.

Saan nanaman 'yun?! Nakita ko silang lahat na nag-tatakbuhan sa iisang direksyon. Teka, sa room ko 'yun, ah! Mabilis ko 'yung pinuntahan at nagulat sa nakita. Si--- si Rachel? Pero, bakit?

'Gift'

Gift? Anong gift? Punong-puno ang kwarto ng dugo. Putol ang ulo ni Rachel. Anong gift?

Aeiou's P.o.V

"PAKAWALAN NIYO AKOOOOO!!" malakas na sigaw ko.

Ano ba kasing naging kasalanan ko kay Xylan? Bakit niya ako ginaganito? Ba't niya kami pinapahirapan?

Napa-lingon ako sa pinto. Ayan na siya. May hawak-hawak siyang box.

"A--ano 'yan?" naiiyak kong tanong habang pinagmamasdan ang box.

"Nakalimutan mo na talaga noh? Red, it's your....." 

Lumapit siya sa harapan ko at hinugot ang lamesang maliit sa gilid ko at pinatong 'yung box doon. Bumibilis  na ang tibok ng puso ko. Ano ba kasi 'to?

Dahan-dahan niyang tinatanggal ang ribbon. Pag-katanggal ng ribbon, sinunod niya ang takip. Nagulat ako sa nakita ko.

"Happy Birthday."

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon