13 - Party

2.6K 57 4
                                    

Chapter 13: Party

Aeiou's P.o.V
"Ito pa! Bilisan mo diyan o ibubuhos ko sayo ang zonrox na 'yan!!" utos ni Desiree

Binato niya sa'kin 'yung kabundok niyang labahan. Kanina pa ako kusot ng kusot dito. Ibato ko sakanya 'tong muriatic acid. Makita niya.

"Dapat in 30 minutes, tapos ka na sa pag-kusot diyan. Kung hindi, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo." pananakot niya at tsaka lumabas.

Mas ok na din na lumabas siya. Kesa naman may katabi akong malanding nag-namarunong. Pfft!

Habang nag-kukusot ako, may nakapa ako sa bulsa ng pantalon ni Desiree. Nilabas ko 'yun. Gusot na papel. Halos hindi ko na mabasa 'yung naka-sulat.

"Desiree is next."

Napa-upo ako sa malamig na sahig. Desiree is next. Sasabihin ko ba sakanya?

"Oh? Anyare sa'yo? May upuan naman. Pero mas pinili mo diyan. Tum----"

"Desiree, mag-ingat ka. Baka isunod ka niya."

Binigay ko sakanya 'yung papel. Napairap siya.

"Don't fool me. It's you prank. Gusto mo lang gumanti. Don't worry, 'di na ako lalapit sayo." huling sinabi niya at lumabas.

Please, maniwala kayo. Para na din sa kaligtasan niyo.

SALA
"Heyow, guys!" bati ni Bryan.

"Anong meron?" tanong ni Patricia.

"Pa-party kaya tayo?" suggest ni Macy.

"Saan naman?"

"Somewhere away from here." naka-ngiting sabi ni Raquel at inakbayan si Jonathan.

"Yeah, yeah! Malay niyo kasama pala natin 'yung killer?" naka-ngising sambit ni Betriz.

"So, it's decided? Tomorrow morning, aalis na tayo. So, be ready." sabi ni Rachel.

"Oh, yeah!" masayang sang-ayon ni Jason.

Napatingin ako sa braso ko. Wews! Goosebumps. Ba't ganun? Feeling ko, may naka-titig saakin? Argh! Nevermind.  

Xyrus's P.o.V
Tinititigan ko ngayon si Aeiou. It seems like, wala siyang idea sa mga nangyayari.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Oh? Gulat na gulat ka?" tanong niya.

"Kagulat-gulat kasi mukha mo." pang-aasar ko sakanya. Binatukan niya ako.

"Mas gwapo ako sa'yo, noh! At tsaka 'wag mong titigan ang pagmamay-ari ko. Baka mawalan ka kaagad ng mata." natatawang biro niya.

"Shudap. Akin si Aeiou. Bleeh!!" pang-aasar ko pa.

"Ginagalit mo ang gwapo mong kakambal, ah! Halika dito at chachap-chapin kita. Bwahahahaha!!!" at nag-simula na kaming mag-habulan.

Aeiou's P.o.V
Nandito ako ngayon sa labas. Ang sarap ng simoy ng hangin. Sana ganito din sa Maynila.

Nag-lakad-lakad ako. I want to discover something. 'Yung tipong ngayon mo lang nakita.

Napa-tigil ako sa pag-lalakad. Is that Xyrus and Christoff? Nilapitan ko silang dalawa.

"Aeiou? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Sa tuwing nakikita niya ako tatanungin niya ako niyan. Parang may 'something'.

"Nagpapa-hangin lang naman ako. Masama ba? Hello, Christoff."

"Hi."

"Ahh.... Ganun ba?"

"Uy,guys! Magta-tanghalian na. Tara na sa loob." tawag ni Vyn.

Pumasok na kaming tatlo. Simula nung kausapin ko sila, hindi na sila nag-pansinan. Ano bang nangyayari?

PARTY
"WOOOH!! INOM LANG NG INOM!!!" rinig kong sigaw ni Casey.

Nandito lang ako sa sulok. Actually, nandito kami sa bar nila Aila. Malayo-layo din sa cottage. Masyadong malakas ang music at masyadong maraming tao. Siguro, classmates nila nung elementary o kaya last year.

"Oy, Aouie. Ayaw mo bang uminom?" lasing na tanong ni Christoff.

Seriously? Ganto ba 'to kapag nalasing? Guguluhin ang pangalan mo?

"Ayoko. Ayoko ng may alcohol." sabi ko at weird na tinititigan si Christoff. 'La lang. Trip ko.

"Owki. Hihi!!" napa-hagikgik na lang ako. LT siya, mga pars.

Desiree's P.o.V
Nandito ako sa may dancefloor, nakikipag-sayaw sa lalake. Actually, hindi ko siya kilala. Pero, pumayag ako.

"Tara. Dito tayo." bulong niya saakin. Ang ganda ng boses niya.

Hinila niya ako sa may pinaka-sulok. Walang tao dito.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Well, gusto ko din naman kaya tinugon ko.

Wala pang twenty second. Pero, humiwalay 'agad siya. Argh! Binitin pa ako!!

"'Yun na 'yun?! Wala man lang fun scene?!" reklamo ko.

"Meron." 'yun naman pala, eh.

"But first, you need to close your eyes." aba! pa-suspence pa.

Gaya ng sabi niya, sinara ko ang mga mata ko. Meron siyang nilagay sa katawan ko. Eww!! Ang baho naman!!

"Huwag kang sisilip." tinanguan ko na lang siya.

Natahimik ang paligid. Ramdam kong may tumutok na ilaw saakin. Seriously?! What's this?

Dumilat ako at....

Aeiou's P.o.V
"AAAAAAAAHHH!!" rinig kong sigawan nila.

Anong nangyayari?!

Mabilis kong nilapitan ang pinag-mumulan ng mga sigawan at nagulat sa nakita.

Si Desiree!! Pinalapa siya sa aso. Merong mga karneng naka-sabit sa iba't-ibang pare ng katawan niya. Ang daming dugo sa sahig. Pira-piraso na siya. Merong naka-sulat sa pader.

'Slut'

Hindi na ako naka-tagal. Parang masusuka na ako.

Where's the others!?

"Aeiou, tara na!!" yaya ni Raquel habang akay-akay si Christoff. Tinanguan ko lang siya.  

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon