24 - Escape!

2.3K 44 0
                                    

Chapter 24: Escape!

Xyrus's P.o.V
Kanina pa ako nakahawak sa sentido ko. Nasaan na ba si Aeiou?

"Let's find Aeiou!" sabi ni Roy.

"And where can we find her?" I asked him.

Napa-tigil siya, nag-iisip 'ata.

"I don't know. Pero, malay lang natin, malapit lang siya saatin?" -Vyn.

"Oh come on! Bakit pa natin pagsasayangan ng oras 'yung babae na 'yun? She's just a waste of time!" mataray na sabi ni Betriz.

Tinignan ko siya ng masama. She just rolled her eyes. Wala pa ding kadala-dala. Tsk!

"Will you shut up?! 'Pag ikaw nawala, hindi ka namin hahanapin!" inis na sigaw ni Bryan.

"Edi 'wag! Nandiyan naman si Xylan, eh!!"

Natahimik kami. What does she mean?

"You're helping Xylan?! How could you betray us?!" inis na tanong ni Shekaila.

"Everybody's betraying everybody!! We're all lying. Lahat tayo, tauhan ni Xylan! Even Xyrus, even Christoff! So, don't be shocked! Si Aeiou lang naman ang walang alam sa lahat ng 'to!" sigaw niya.

Yeah. Lahat ng sinabi niya, totoo. Sabihin niyo na na sinungaling kami, na betrayer kami. Ginagawa lang namin 'to dahil buhay ng pamilya at namin ang nakasalalay dito. Xylan is crazy, he's pretty obsessed.

"GUYS!!! SUNDAN NIYO KAMI BILIS!!" malakas na sigaw ni Raquel at sinundan namin sila.

Petals. Bakit may petals dito? Sinundan lang namin 'yun at narating namin ang dulo nun. Halos masuka kami sa nakkikita namin ngayon.

"OH. MY. FREAKING. FUGDE. What happened?!" gulat na tanong Beah.

Kalat-kalat ang dugo at utak sa sahig. Laslas ang tiyan ni Patricia. Si Russell naman, nilalangaw na.

"AAACKKK!!" napa-lingon kami kay Betriz. Nagsusuka siya.

Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita ang karton na nasa lapag. Nilapitan ko 'to at binasa.

'A Stupid and A Cheater'

"Kilala ko kung kanino ang sulat na 'yan." mahinang sabi ni Christoff sa tabi ko.

"Yeah?" tanging nasabi ko at nilapag uli ang karton.

Aeiou's P.o.V
"ARGH!!" naiinis kong sigaw.

Napaka-tanga ko naman! Ano ba 'yan!!

Dumukot ulit ako ng hairclip sa bulsa ko. Pulang-pula na ang pulso ko. Sana, magtagumpay na. Pang-limang try ko na 'to.

Nang madukot na, hinawakan ko 'yun sa pamamagitan ng bibig ko at inilapit sa kaliwang kamay ko. Pinick-lock ko na ang posas at nag-tagumpay na ako.

Tumayo na ako at nilapitan ang table kung saan nandun 'yung cellphone ko. Dinial ko kaagad ang number ni Xyrus.

"Sagutin mo! Sagutin mo!"

"Hello? Aeiou! Nasaan ka?!" natatarantang tanong niya.

"X---Xyrus, nandito ako sa abandoned mansion. Tulungan mo ako!" natatakot kong sabi.

"Ok. Ok. Papunta na ako." at binaba ko na ang cellphone ko.

Nagulat ako dahil naka-rinig ako ng footsteps. Mabilis kong kinuha ang posas at umupo sa kinauupuan ko kanina at nag-kunwaring naka-posas pa din ang magka-bilaang kamay ko. Bumukas ang pinto.

"Sino 'yung kausap mo, ha?!" masungit na tanong saakin ng tauhan ni Xylan.

"Halika dito at ibubulong ko sayo." naka-ngisi kong utos.

Nagdadalawang isip pa siya. Pero, lumapit pa rin siya.

Nang makalapit, hinead butt ko kaagad siya. Bago pa maka-sigaw, tinakpan ko kaagad gamit ang panyo at itinali. Pinosasan ko din siya at nilock 'yun sa pamamagitan ng susi sa bulsa niya. Kinuha ko ang cellphone ko.

Lumabas na ako sa kwarto. Ang daming bantay. May hawak-hawak silang flashlight.

Lumakad ako ng walang ingay. Easy, Aeiou. 'Wag kang kakabahan.

*RING!!*

Nag-echo sa mansyon ang tunog ng cellphone ko. Patay na. Sinilent ko 'agad 'yun kaso nakita na nila ako.

"HOY!! NAKA- WALA 'YUNG BABAE!!" malakas na sigaw ng lalake.

Tumakbo sila papunta sa gawi ko. Teka! Anong gagawin ko?! Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ang lalagyan ng mga holen. Kinuha ko 'yun at ibinagsak sa sahig. Nagka-darapa sila at ako naman pinipigilan kong tumawa.

Tumakbo na ako pababa at lumabas na.

"AEIOU! DITO!" narinig kong sigaw.

Nilingon ko kung sino 'yun. Si Xyrus. Mabilis akong tumakbo papunta sa kotse niya.

"Are you ok?" tanong niya.

"Ok lang." at pinaandar na niya ang kotse.

Hays.  

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon