25 - The Boy Who Cried Murder

2.2K 38 4
                                    

Chapter 25: The Boy Who Cried Murder

  Aeiou's P.o.V
"Aeiou!!" sigaw lahat ng boys maliban kay Raquel at kay Christoff.

"Huhuhu!! Namiss ka namin, Aeiou. Saan ka ba nag-punta." kunwari'y umiiyak na sabi ni Jonathan.

"Takte. Ampanget mo. Lumayas ka nga diyan." cold na taboy ni Xyrus.

Siniko ko siya at sinamaan ng tingin.

"What?!"

"AEIOU!!" napalingon ako sa sumigaw. Chryxsanne?

"Teka, ba't nandito ka?" nagtatakang tanong ko.

"Duh! 'Yung oras na nawala ka, tumulong ako. Hays. Na-hagard tuloy ang beauty ko. De joke. We're so worried kaya." natawa ako sa itsura niya ngayon.

"Aba, hanep ah! Kanino ka natutong mag-english?" natatawang biro ko.

"I've been teached by your labidabs so my english is saw." napa-kunot ang noo ko. Ano daw?

"Ha?"

"Sabi ko, tinuruan ako ng labidabs mo kaya nahasa ang english ko! Ang slow mo!!"

Natahimik kami. HANUDAW?!

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

Nag-echo ang tawa naming lahat sa cottage pati si Xyrus tawang-tawa.

"What's so funny? I'm a professional englisher kaya." confident na confident niyang sabi at nag-flip hair pa.

Natahimik kami dahil may sumigaw.

"AAAAAAAHH!!! GUYS, XYLAN IS HERE!!!"

Mabilis kaming tumakbo papuntang garden at nakita si Jonathan.

"Uy, Jonathan!! Anong nangyari?" gulat na tanong ni Casey.

Unti-unti siyang lumingon. Napa-buntong hininga kaming lahat sa sinabi niya.

"JOKE LANG!! Kayo naman, 'di na mabiro." natatawang sabi niya.

"Jonathan, it's not funny. 'Wag kang mag-biro ng ganyan." bwiset na sabi ni Christoff.

"Sorry."

"Guys, dinner time. Pasok na."  utos ni Josefha.

Pumasok na kami at kumain na.

Jonathan's P.o.V
Hahaha! LT silang lahat, eh. Paniwalaan daw ba naman ako?

Papunta ako ngayon dito sa labas ng cottage. Alas-sais pa lang at pang-limang trip ko na 'to sakanila. Hehe.

Nagulat ako ng biglang may humatak saakin na naka-suit at naka-medical face mask na lalake. Nag-pumiglas lang ako. Pero, sinapak ako ng isa pa. Everything turned black.

***

Nagising ako ng may tali ang mag-kabilaang kamay ko. Nasaan ako?

"HELP! TULUNGAN NIYO AKO!!" sigaw ko.

"Sa tingin mo may maniniwala pa sa'yo?"

Napa-lingon ako sa nag-salita. Si Xylan.

"Ano 'to?! Pakawalan mo ako!!" naiiyak kong sigaw.

"Nasaan na?" tanong niya sa isa niyang kasama.

"Nandun sa table." simpleng sagot nito.

Umalis sandali si Xylan. A--anong gagawin niya?

Maya-maya, dumating siya habang may dala-dalang mahabang tubo.

"A---ANO 'YAN?! HAHAMPASIN NIYO BA AKO?! GUYS, TULONG!!!!!" nag-papanic na sabi ko.

"Mas brutal pa doon." at nilapitan na niya ako.

Help.

Aeiou's P.o.V
"A---ANO 'YAN?! HAHAMPASIN NIYO BA AKO?! GUYS, TULONG!!!!!"

Mas lalo pa akong nag-takip ng unan sa tenga. Kung mantitrip lang si Jonathan, pwedeng bukas na?

"A---ACCCCCKKKK!!" narinig kong parang nabubulunan.

Shitz. Parang feeling ko, totoo. Argh! Nevermind!!

Pinikit ko na lang ulit ang mata ko at natulog na.

Xylan's P.o.V
Mas diniin ko pa ang tubo sa bunganga niya. Nag-susuka na siya. HAHA!

Unti na lang at malulunon na niya ang tubo. BWAHAHAHA!!

"AAACCCKK!!"

Sunod-sunod na ang dugo sa bibig niya at tumitirik na ang mata niya. Kawawang Jonathan.

Hindi na ako nag-tagal at mabilis kong ipinasok ang naka-labas na tubo.

Kinuka ko na ang karton at sinulatan ng..

'The Boy Who Cried Murder'

Sinabit ko 'yun sa leeg niya at umalis.

Onti na lang at mauubos na kayo.  

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon