07 - Picture

3.3K 75 1
                                    

Chapter 7: Picture

Aeiou's P.o.V

Nasan ako? Unti-unting lumilinaw ang paningin ko. Ang dilim. Tumayo ako at
aksidenteng nabangga ang drawer.

"Aray!" daing ko.

Ang lagkit ng katawan ko. Oo nga pala, pinag-tripan ako nila Betriz kanina. Lumakad na lang ako at kinapa-kapa ko ang mga nakakapa. Nasan na ba 'yung pambihirang switch?! Napatigil ako ng may
makapa ako. Ito na ba 'yun? Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong niya.

"Xyrus? Ikaw, anong
ginagawa mo dito?" parang ito lang 'yung ganap kahapon.

"Ayan ka nanaman, eh.Ginagawa mo nanamang sagot 'yung tanong. Teka, bakit may dugo sa sahig? At tsaka bakit may sangkap ng halo-halo dito?" naguguluhan niyang tanong.

"At tsaka ba't anlagkit mo? Naguguluhan na ako. May nangyari ba sayo? Paano ka
napunta dito?"

Napabuntong-hininga ako. Sasabihin ko ba? I think, sabihin ko na lang.

"Pinagtripan ako nila Betriz. Sabi nila, nagre-revenge daw sila dahil sa nangyaring mga pagpatay. Ikaw, bakit ka andito?" tinignan ko siya ng may pagtataka sa mata.

"Ahm..... dito ako tumutuloy. Sabi nila mom, kailangan ko daw ng fresh air. Hindi ako sumama sa bakasyon niyo kasi akala ko isasama nila ako sa U.S para sa business trip nila. Tapos dito lang naman din pala ako mapupunta. Teka..... did you say that
Betriz and her friends did this to you? Nasan sila?! Sabihin mo sakin, asan
sila?!" nakita ko 'yung galit sa mata niya.

Bigla na lang siyang tumalikod at akmang lalabas. Pero, nahawakan ko 'yung
braso niya.

"Xyrus, no! Hayaan mo na
sila. I'm fine now. I'm good." hindi ako makatingin sa mata niya habang sinasabi
ko 'yun.

Bumuntong-hininga muna siya bago mag-salita.

"Fine. Bukas na bukas, doon na ako
magbabakasyon. Para sa kaligtasan mo." nginitian ko siya at nginitian niya ako.

"Ahm.... Xyrus, pwede ba ako makihiram ng damit mo? Sobrang lagkit na kasi ng katawan ko."

"Ah ok sige. Kuha lang ako, ah." paalam niya sakin at pumunta sa kwarto.

Naiwan ako ngayon mag-isa dito. Nilibot ko muna 'yung paningin ko. Malawak pala
dito. Napatigil ako sa paglibot ng paningin ng may mahagip akong isang picture. Nilapitan ko kung ano 'yun at laking gulat ko. Ito 'yung dalawang bata sa box!! Bakit meron din siya?! Kukuhain ko na sana nang may nagsalita.

"Aeiou, ito na lang. Ok lang ba sayo kung malaki ng onti?" muntik na ako
mapatalon sa gulat.

"Ah....oo.... sige.... Ok lang." sabay hablot ng damit at tumakbo na ng cr.

Hinubad ko na 'yung damit ko at pumunta sa shower. That picture is haunting my mind. Matagal ko na ba siyang
kilala? Siya nga ba si Xylan? Hay nako, Aeiou! Kung ano-ano iniisip mo!

"Aeiou, pagkatapos mo diyan. Dumiretso ka sa kusina. Magdi-dinner na tayo." dinner lang walang tayo.

"Ok." tanging sinagot ko at shinampoo ang buhok.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon