02 - Victim

7.8K 125 4
                                    

Ang creepy talaga ng katabi ko. Sino pa ba? Edi si Xyrus lang naman. Ewan ko ba. Pero, naweweirduhan ako. Hindi siya lumilingon iisa lang yung tinititigan niya. Ang blackboard. Hindi din siya nakikipag-usap sa mga kapwa niya lalake. Ita-try ko nga siya kausapin mamaya.

Pumasok na si Chryxsanne at ako agad ang una niyang nginitian at binalikan ko naman siya ng ubod na tamis na ngiti.

"Ok class. Pakilagay na dito yung assignment niyo." turo niya sa desk niya.

Walang umimik at walang may pake. Nag-taka ako kasi kaming dalawa lang ni Xyrus ang tumayo. Balewala 'ata yung grades para sa kanila. Bago ako bumalik ng upuan ko, binulungan muna ako ni Chryxsanne.

"Masanay ka na sa kanila. Iisa lang ang nagpapasa dito dati. Si Xyrus lang." at tsaka humagikgik.

Napailing na lang ako at umupo na sa upuan. Naalala ko yung sinabi sakin nung babae kanina. Nakapag-disesyon na ako. Pero, hindi ko alam kung tama ba. Hayst, basta! Sasama ako.

***

"Sure ka ba talaga na hindi ka sasabay na mag-lunch sa office ko?" kanina pa tanong ng tanong si Chryxsanne.

"Oo. May gagawin din kasi ako. Next time na lang ulit. Babawi ako." at tsaka siya nginitian at umalis na.

Kakausapin ko kasi si Xyrus. Ewan ko. Pero, may nagtutulak sakin na kausapin ko siya. Narinig ko na paborito niyang tambayan ang library. Pumunta ako 'dun at tama nga ang narinig ko. 'Nandun siya naka-silip sa bintana. Lalapitan ko na sana siya ng may humawak sa braso ko.

"'Wag mo siyang lalapitan."

Nilingon ko siya. Babaeng mahaba ang buhok, maamo ang mukha, maputing kutis at mukhang siya yung president namin sa room.

"B--bakit naman?" bigla akong kinutuban. Naweweirduhan talaga ako.

"Basta 'wag mo siyang lapitan. Pwede akong mamatay." hindi ko narinig yung huli niyang sinabi. Ang hina, eh.

"Ano ka ba? Magiging okay lang ako. 'Wag ka mag-alala. Babalitaan na lang kita." nginitian ko siya at tinapik ang braso.

Tuluyan na akong nakalapit kay Xyrus. Hindi niya naramdaman na nasa tabi niya ako.

"Ang lawak ng field, ano? Ang ganda din ng langit." simpleng sabi ko at ngumiti.

Gulat siyang napalingon. Nakakunot ang noo niya. Bakit? May masama ba akong nasabi?

"Go away." mahina. Pero, narinig ko pa din.

"No. Unless, kausapin mo ako. Siguro naman kailangan mo ng friend? You know, yung magko-comfort sayo." napabuntong hininga siya.

Naramdaman ko yung malungkot na aura niya. Napayuko siya. Pero, tinaas niya agad yung ulo niya at tumingin ulit siya sa labas.

"Bakit mo ba ako nilalapitan? Bakit mo ba ako kinakausap? Alam mo bang ikaw lang ang nagtatangka sakin na kumausap?" as in? Tama nga 'yung sinabi ni Chryxsanne, walang kumakausap sakanya.

"Kasi, gusto ko makipagkaibigan sayo. Ewan ko kung bakit. Pero, gusto ko talagang makipagkaibigan sayo."

"Gusto mo ba talaga akong kaibiganin? Baka pagsisihan mo? Hindi ko inisip na meron pa palang babaeng lalapit sakin. Lahat kasi sila nilalayuan nila ako. Hindi ko din alam kung bakit at kung anong ginagawa ko sakanila. Pero, ikaw, naglalakas-loob ka na lapitan ang isang kagaya ko. Matitiis mo ba talaga ako?"

Napatigil ako sandali. Anong pagsisisihan ko? At tsaka bakit ako magsisisi?

"Anong magsisisi ako? May alam ka ba sakin? At tsaka, bakit ako pinipigilan ni Ms.President kanina?" sunod-sunod na tanong ko.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon