Chapter 7

10 2 17
                                    

Chapter 7

Crush

"He is good at math," bulong ko sa sarili ko.

Kanina pa tapos ang pre-test namin sa mathematics at ngayon pa lamang binigay ni Mr. Ocampo ang aming marka roon. I'm not shock in my score because I know that I am terrible in that subject. Well, dad is intellect when it comes to that too, while mom is proficient when it comes to business, sadyang naligaw lang ako ng landas.

"Highest score in pre-test... Mr. Claude Ocampo," sambit ni Mr. Ocampo.

We gave Claude an applause after he received his paper. Nagpasalamat din siya sa amin at umupo na sa kanyang upuan.

"Ang galing niya talaga simula pa dati," wika ni Leah na nasa tabi ko.

Hinarap ko siya. "How long have you been known him?" tanong ko.

"Simula pa noong first year high school," sagot niya. "Siya talaga 'yung panlaban pagdating sa mga math quiz bee pati na rin sa mga major contest, kaya tanyag siya rito sa Alestria High at kilala rin siya sa mga iba pang school dito sa Alestria."

"Hindi na rin ako magtataka kung bakit napakaraming nagkakagusto d'yan kay Claude, magaling sa academics at basketball," she smirked. "Kaya pati ako nahulog."

Nanlaki ang mata ko. "You like him?"

Tumawa siya. "Dati, noong first year... Naglakas-loob akong umamin sa kanya pero ayaw talaga ng tadhana, eh." 

"Ingat ka, Seah, baka mahulog ka rin sa kanya... Madami nang napa-iyak na babae 'yang si Claude," dagdag niya.

Agad akong umiling. "Imposible 'yon, wala naman akong paki-alam sa mga gan'yan-gan'yan."

She just nodded. It's impossible for me to fall in love. I don't have freedom for it. I don't have experience to lean on. I don't have support that I can learn through. Even if I can love, the destiny said no.

Lumipas ang mga oras at natapos ang klase namin. Sabay-sabay tumayo ang iba kong kaklase at nag-unahan lumabas ng pintuan. Napailing ako sa kawalan at hinintay na umusad iyon.

"Seah, free ka ba ngayon?" Yohan asked me.

Imbis na ako ang sumagot ay inunahan ako ni Leah.

"Hindi siya free ngayon, Yohan, may pupuntahan kami." Inirapan siya ni Leah. "Seah, 'yung promise ko sa'yo... Tara na."

Tinapunan ko ng tingin ang tatlo bago sumunod kay Leah. I don't know why Yohan is asking me like that... I mean, naninibago lang ako kasi bago pa lamang ako rito sa Alestria and I already gained their attention.

Mabuti na lang at tinext ko si Kuya Philip na huwag niya na akong sunduin sapagkat may pupuntahan pa ako. At sana rin, hindi niya sinabi kay mommy na hindi niya ako sinundo dahil mapapagalitan ako.

Pumara ng tricycle si Leah at sumakay kami rito. Mahigit sampung minuto ang ginugol sa byahe patungo kung saan. I have no idea where Leah will bring me, pero sinabi niya naman sa akin na maganda 'yung pupuntahan namin.

"Woah. Where are we?" tanong ko. 

Bumaba kami ng tricycle. Agad kong tinungo ang pintuan papasok at hinintay si Leah bago makarating sa main place nitong pinuntahan namin. Wala pa rin akong idea kung ano itong lugar na 'to, I just can feel there's something in this place that bothers me.

"Leah, uh... How can we get inside?" inosente kong sambit.

Humalakhak siya. "Alam mo, ang cute mo, Seah."

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon