Chapter 21

7 0 0
                                    

Chapter 21

Sabihin mo

"Chase," I called him.


"Hmm?"


"Sa tingin mo kakayanin mong wala ako sa tabi mo?"


Tumitig siya sa akin. Lahat ng saya sa mata niya kanina ay napawi nang sabihin ko iyon.


I'm so sorry. Gusto kitang makasama hanggang sa huli, pero hindi ko alam kung paano.


"Seah..." He leaned to me. "Anong problema?"

I shook my head. "W-wala, wala. Everything's fine, Chase."

We watched the sunset until it gets dark. Nakahawak lang ako sa braso ni Chase habang ang ulo ko ay nakasandal sa kaniyang balikat. I hope this day never ends. Sana palagi na lang kaming ganito ni Chase.


I still remember everything last month. It was cruel. Everyone was in pain. Ever since I left the celebration in Chase's house that night, I know that every single pieces will change. Hindi na ayon ang daloy ng buhay ko simula noong gabing 'yon. Nagbago ang lahat—malaking pagbabago. And that night also in the hospital, noong nalaman ko 'yung side ni Daddy, mas lalong gumuho ang mundo ko.


My tumor came back. It's a rare case. The doctor said to me that there's a small percentage that the tumor will come back after a successful operation, but little did I know it was a successful one, only the doctor who operated on me knows what happened. 


Hindi rin kami ayos ni Mommy. She's just pretending. Everyone including myself is pretending. Physically, ayos ako, pinipilit ko 'yung sarili ko na umayos pero pagod ako. I'm so tired living in this world, kung hindi lamang kay Chase ay matagal na akong sumuko. Simula pa nung una siguro walang sakit sa ulo ni Mommy at hindi maibabalik ang nakaraan niya.


After some medication and examination, Mom called Tito Bernard, his youngest sibling. Wala siya rito sa Pilipinas dahil nag-migrate sila ng kaniyang pamilya sa United States noong siya'y gumraduate. Tito Bernard is also searching for the best hospital in the states dahil may mga cases na ganito roon. Ayaw akong pa-operahan ni Mommy dito because it's too risky daw and it's better there.


"Pasok na tayo, gumagabi na," Chase whispered through my ears.


"Mamaya na, five more minutes." Let me cherish this moment please, my love.


Hindi alam ni Chase na may sakit ako. Ang sabi ko sa kaniya noong nalaman ko ang resulta, bumaba ang hemoglobin ko dala ng pagod at puyat. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya, pinapangunahan ako ng takot at kaba. Baka mamaya, ipagpalit niya ako at iwanan. I'm enjoying every little moment habang nasa Alestria pa ako, bukas na bukas I'll come back in Manila and will continue my medication there hanggang lumipad na ako sa states by my birthday. Nakahanda na ang lahat, planado na ngunit hindi ko kayang iwanan ang pinakamamahal ko rito.


"Kuya, pasok na raw kayo sabi ni Mama," ani Carl na nakadungaw sa pintuan.


Chase nodded. "Tara na, baka hinahanap ka na rin."


Tumango ako at patagong pinunasan ang luha. Pumasok kami sa loob ng bahay nina Chase. Tita Kristen is preparing for their dinner while Tito Gregory is doing some paper works.


"May kukunin lang ako sa taas," paalam ni Chase at umakyat ng hagdan nila.


Tinulungan ko si Tita Kristen sa paglalagay ng plato sa hapag. "Ang putla mo, Seah," pag-alala niyang sinabi sa akin.


Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon