Epilogue

10 1 0
                                    

This is the Epilogue for Hanggang Sa Huli. Thank you for making it here, Chase and Seah's journey will finally end here. Their story will forever have a special place in my heart, thank you for your support as well. 

To those suffering a battle, may your pain be healed. Continue fighting for your life. 

:) 

___ 

Epilogue 

"Kristen, kailan ka ba magre-resign d'yan sa trabaho mo? Masama talaga ang kutob ko sa boss mo, mukhang manyakis!" ani Papa kay Mama.


Away na naman ba ito? Gabi-gabi ko na lang silang nasasaksihan sa pag-aaway nila tungkol sa trabaho ni Mama. Isang sekretarya si Mama sa loob ng isang law firm company, na-hired siya rito noong isang buwan. Mula noong nakapasok siya roon ay palagi na lang silang nag-aaway ni Papa.


Naririndi na 'ko sa ingay ng bahay tuwing gabi. Hindi na ako makapag-focus sa mga assignments ko kaya sa school ko na lang ito ginagawa tuwing uwian. Napaka-basic ng math ng Grade 5 para sa akin, wala na bang mas hihirap pa rito?


"Wala tayong choice, Gregory! Kung sana bang tinutulungan mo ako sa pagkakayod, edi nakabalik na tayo ng Alestria ngayon!" Umalis si Mama sa hapag-kainan at padabog niyang sinara ang pintuan ng kwarto.


"Chase, dito ka lang sa bahay, ah? Tulungan mo ang papa mong maglinis."


Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Mama. "P'wede po bang sumama sa inyo? Wala naman po akong pasok."


Umiling si Mama at humalukipkip. "'Wag matigas ang ulo, anak, babalik din agad si Mama."


Imbis na manatili sa bahay ay sinundan ko si Mama nang palihim. May nararamdaman akong kakaiba at walang tigil sa pagtibok ang puso ko. Sumakay si Mama ng tricycle kaya't sumakay din ako ro'n. Sana nga hindi malaman ni Papa na kumupit ako ng barya sa bulsa niya kundi yari ako ro'n, 'di bali babayaran ko na lang kapag nagkatrabaho na 'ko.


Bumaba si Mama sa isang malaking gusali. Pumara na rin ako sa tricycle at binigay ang bayad ko.


"Iho, anong gagawin mo d'yan? Napakabata mo pa para magsampa ng kaso," sabi ng tricycle driver.


"Lola ko po may-ari niyan, bibisitahin ko lang po siya." Ngumiti ako.


"Aba, ang yaman mo naman pala!" Namangha siya sa akin.


Hilaw na ngiti lang ang naibigay ko sa kaniya. Sabi naman nila libre lang mangarap, eh.


Pumasok ako sa loob nito at namangha sa nakita. May mga malalaking gusali sa loob at napakaraming elevator, parang nakaka-excite naman magtrabaho kung gano'n. Sinundan ko si Mama nang sumakay siya ng elevator, nagtago ako sa likuran ng isang lalaki para hindi niya ako makita. Nang tumunog ang elevator ay lumabas si Mama at nagtungo sa isang office, mukhang dito siya nagtatrabaho.


"Nand'yan ba si Zayn?" sigaw ng isang babae na papalapit sa akin. Sa takot ko ay nagtago ako nang pumasok siya sa office kung saan pumasok si Mama kanina. Nakarinig ako ng ingay sa loob at papasok na sana ako nang may humila sa akin.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon