Chapter 30

6 1 0
                                        

This is the final chapter! :)

---

Chapter 30

Hanggang sa huli

Isang linggo na ang nakalipas nang magkabalikan kami ni Chase. That day was the best day that happened in my life, he finally got back in my arms again. Sa loob ng limang taon na nawalay kami sa isa't isa, doon humanap ang tadhana para patatagin kami sa magiging kinabukasan namin. Future is really unpredictable, hindi mo alam kung ano ang magiging buhay mo pagdating ng araw na iyon.


Little did I even know, matagal ko na palang nakilala si Chase. I'm starting to think that invisible string is real, hindi mo namamalayan na nakakasama mo na pala ang taong mamahalin mo habang buhay. Tawang-tawa nga rin kami nang malaman ng mga kaibigan namin na nagkabalikan kami, Yohan's reaction is the most funniest.


"May sasabihin ako sa 'yo, Yohan," sabi ko.


Agad siyang lumingon sa akin kahit na nagda-drive siya. Ihahatid niya raw ako ulit sa trabaho kasi day off niya ngayon.


"Ano?" Kumunot ang kaniyang noo. "Don't tell me buntis ka? Si Claude ba ang ama?"


Hinampas ko siya. "Sira! Wala pa akong balak magbuntis, 'no! 23 pa lang ako!"


"Nanalo ka sa lotto? Balato naman d'yan, oh!"


Napa-face palm na lang ako. Kahit kailan talaga.


"Nag-usap kami ni Chase kagabi... We got back together."


"Ay weh? Congrats." Ilang segundo ang nakalipas at bigla niyang tinigil ang sasakyan. Pinagmumura ko siya dahil muntik na akong tumilapon sa harapan.


"Yohan! Gusto ko pang mabuhay!" Sinigawan ko siya.


"For real? Tang ina, seryoso ka? Gago..." Hindi ko mawari kung ano ang reaksyon niya, para siyang maiiyak sa sinabi ko.


"Uy, ayos ka lang?" nagwo-worry kong tanong.


Niyakap niya ako bigla. "Masaya ako para sa inyo, Seah, I discovered your endless fights with him and it makes me damn happy na nagkabalikan kayo ulit... Fuck that Ocampo, he must throw a huge party tonight."


Napatawa ako sa kaniyang sinabi. Mayroon pa palang mga ganitong tao sa mundo. Yohan was there all the time when I want to give up life, siya ang nagplano noon para makita ko si Chase bago ako umalis, at siya rin ang nasa tabi ko para sabihin na 'wag kong pahirapan ang sarili ko sa mga nangyayari. I'm so blessed to have a genuine friend like him.


"Chase, anong oras na!" Tinapik-tapik ko siya.


Ngumuso ako nang bigla niya akong yakapin. Nagising ako sa alarm na kanina pa pala tumutunog, napasarap ang tulog namin ni Chase at mukhang male-late na kami sa trabaho ngayon. Pinagmasdan ko ang mukha niyang hindi nakakasawang tingnan, I can't believe that this man is mine.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon