Chapter 10

8 1 0
                                    

Chapter 10

Yabang mo

"Oh, may girlfriend ka na, Yohan?" Sumilay ang ngiti sa labi ng mama ni Chase.

"Ay, hindi po, tita!" tumawa si Yohan. "Pinsan ko po 'yan, sinama ko lang dito para manood din ng laro namin."

Bahagyang nagulat ang mama ni Chase. "Gano'n ba? Naku, pasensya na! Napagkamalan ko pa tuloy kayong mag-jowa."

"In fact, tita, sila nga po ng—" Natigil si Yohan nang siniko siya ni Chase.

"Tumigil ka, sasapakin kita."

Nilapitan ko 'yung mama ni Chase at bumeso sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya sa ginawa ko.

"Good afternoon po. I'm Seah po, kaibigan din po ako ni Chase," ngumiti ako. Gosh, am I being too formal?

"Good afternoon din, Seah. Ako si Kristen, mama ni Chase. Tawagin mo na lang akong Tita Kristen," ngumiti rin siya sa akin.

"S-Sige po, tita."

"Pamilyar ka sa'kin. Sigurado akong nakita na kita dati. Hindi ba ikaw 'yung tumulong sa akin nung nahulog 'yung mga pinamili ko dati sa waiting shed?" tanong niya.

Oh my god. Siya 'yung bumaba sa tricycle na may katawagan sa phone kaya hindi niya namalayan na nahulog 'yung mga pinamili niya. That was my first day in Alestria at gulong-gulo pa 'ko dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta dati. 

I nodded. "Kayo po pala 'yon, tita. What a small world, huh?"

"Ma, late na kami, 'wag niyo nang paulanan ng kwento si Seah," suminghap si Chase sa gilid ng mama niya.

"Napaka-inipin mo talaga." Kinurot ni tita ang pisngi ni Chase. Ngumisi ako at siya naman ay naka nguso.

"O siya, pumunta na kayo para makapag-laro na. Seah, balik ka rito next time, ah? Kwentuhan ulit tayo."

Nahihiya akong tumango. "Sige po, kapag hindi na busy sa school."

Lumabas kami ng bahay nina Chase. Muli akong tumingin sa paligid at may katabi silang bahay na kulay puti. Sa harapan naman ay may magkaka-dikit din na tatlong bahay at mayroong kanto sa gilid na papunta kung saan. Ang sabi sa akin ni Chase noong hinatid niya ako sa'min ay malapit lang ang bahay namin sa kanila, pero mukhang hindi ko alam ngayon kung saan 'yung gawi papunta sa bahay namin.

"Chase," I called him. "Sabi mo malapit lang 'yung sa'min sa bahay niyo, edi pwede akong maglakad kapag pupunta ako rito?"

His eyes widened a little bit. "May isa pang street bago ang inyo, Seah, tatagal ng kinse minutos kapag maglalakad ka."

Kumunot ang noo ko. "Seriously? 'Di ba, hinatid mo ako dati? So, naglakad ka nang ganon katagal?"

"O-Oo," he stuttered. "Sanay naman na 'ko. Dumadaan din ako sa street niyo kapag pauwi ako." 

Dahan-dahan akong tumango. I should seal my damn mouth. Ano ba ang akala mo, Seah? Gusto ka lang niyang ihatid noong araw na 'yon kaya wala siyang pakealam kung malayo ang abutin no'n? Stupid, self.

Pero bakit hindi na lang siya mag-tricycle? He shouldn't waste his time walking around Alestria lalo na kapag gabi. But I don't want to be nosy. Wala naman na ako sa mga ginagawa niya.

"Paki-sabi sa akin kung tutuloy pa tayo sa laro, ano?" Napatingin kaming dalawa kay Yohan na nasa kotse niya na.

Dumiretso ako sa front seat katabi ni Yohan habang si Chase ay dumiretso sa likod. Tahimik lang kaming tatlo patungo sa covered court na paglalaruan nilang dalawa. Ang sabi nila ay katabi lang iyon ng Alestria High kaya mabilis lang ang biyahe.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon