Chapter 28
Confrontation
"Hindi ko po maintindihan, tita... Paano po kayo nagkaroon ng anak sa labas?" tanong ko.
Ang mga luha sa mata niya ay hindi tumitigil sa pagbuhos. Gusto ko man patahanin si Tita Kristen pero maraming tanong ang sumasagi sa isipan ko. Paano siya nagka-anak sa labas? Bakit niya kailangang humantong sa pagpapa-ampon iyon? My dad belongs in this situation at nag-aalala rin ako sa kaniya.
"Hindi ko alam kung nakwento na ba sa 'yo ni Beatriz o ni Zayn ang tunay na nangyari sa amin... Ayaw man namin kayong idamay dito ng anak ko pero pare-parehas na tayong nasasaktan ngayon." Suminghap siya. "Ang mommy mo ang matalik kong kaibigan simula noong mga bata pa kami, Seah. Tinuturing din akong anak ng lolo at lola mo kahit hindi ko sila kadugo... Transferee si Zayn dito sa Alestria at nakilala siya ng mommy mo, nagkaroon sila ng relasyon hanggang sa napansin ko na lumalapit ang loob sa akin ng daddy mo."
Parang dinudurog ang puso ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Ayaw ko man pakinggan ang kwento ni tita ngunit kailangan ko pa ring alamin ang side niya sa kwento.
"Seah, ayos lang ba sa 'yo na sabihin ko 'to? Ayaw kitang masaktan..."
I wiped off my tears. "Kahit hindi niyo po sabihin sa akin, tita, matagal na po akong damay dito... I witnessed my Mom and Dad never-ending fights when I was a kid, dala-dala ko pa rin po ang sakit hanggang ngayon. Kailangan ko rin pong alamin ang punto ninyo sa nangyari, I just want to know the whole truth para matigil na po ang lahat ng 'to."
Tumango siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Your dad and I got into a one-night stand dahil sa sobrang kalasingan namin. B-believe me, Seah, pinagsisihan ko ang lahat ng 'yon. Tinanggap ko ang lahat ng sakit na binigay sa akin ni Beatriz... Sa pagtawag niya sa akin ng malandi at mang-aagaw pati na rin sa pagpapatapon niya sa amin dito ng pamilya ko sa Alestria... Dala-dala ko ang lahat ng sisi noong lumipat ako ng Maynila at doon nakilala si Gregory."
"Ilang taon din ang lumipas at naging katrabaho ko ang daddy mo... Ayon din ang insidente kung saan nagahasa ako ng boss ko at sinilang ang kapatid sa labas ni Chase." Nanginginig ang kamay ni Tita Kristen. "G-gustong gusto kong ipakulong ang lalaking gumahasa sa 'kin... Wala lang akong laban dahil mahirap lang kami at muntik pang mawalan ng ama si Chase. Humingi ako ng tulong sa daddy mo noon, Seah, na ipa-ampon ang bata pero nangyari na naman ang kinakatakot ko." Humikbi siya.
Binitawan ko ang kamay ni Tita Kristen at tumingin nang diretso sa mata niya. "Ano pong nangyari? Please, t-tell me..."
Iyak nang iyak si Tita Kristen at panay ang pagpapa-umanhin niya sa akin.
"Zayn kissed me the day I went to his office... Your mom saw it," aniya na kinabigla ko.
Binitawan ko ulit ang kamay ni Tita Kristen na humahaplos sa akin. Lahat ng alaala ko noong araw na naghiwalay sina Mommy at Daddy ay nag-flashback sa aking isipan. I never got to know the reason why they got separated, the little me discovered the broken family picture of us that was scattered on the floor and Dad kneeling in front of me begging for forgiveness. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na 'yon... At ngayong sinabi sa akin ni Tita Kristen ang nangyari ay parang natauhan ako bigla sa reyalidad.
"You are the reason why they got separated?" Nabasag ang boses ko. "Bakit po? B-bakit... Hindi... H-hindi ko maintindihan. Bakit kayo pa po ang dahilan? Anong kasalanan namin sa inyo? My M-mom suffered endlessly, hindi ko na siya nakilala simula noong naghiwalay sila ni Daddy... At ganito ang malalaman ko?" Umiyak ako nang umiyak. "I'm really sorry for my words pero bakit pa po kasi kayo humiling ng tulong kay Daddy? Alam niyo naman pong hindi ayos ang pakikitungo sa inyo ni Mommy... Ang dami-dami pa pong abogado d'yan."
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomantizmSeah Louise Venicia never had the freedom to love. All she experienced was working hard for her goals and most importantly, her future. Until one day, it got worse, her life became miserable when she encountered a disease. Instead of hoping that she...