Chapter 11
Pangalawang hatid
Natapos ang last quarter ng laro at panalo sina Chase. Lamang sila ng sampung puntos sa kalaban kaya inis na inis ngayon si Owen at nakuha pang mag-walk out sa court. Dinumog sila ng halos karamihang tao na nanood din ng laro kanina.
"Uuwi ka na ba, Leah?" tanong ko at niligpit ang mga naiwang basura na pinagkainan ng mga tao.
"Hindi pa, may celebration pa 'yang mga 'yan," aniya at binaling ang tingin sa'kin nang matapos mag-cellphone. "Oh, 'wag mo nang ligpitin 'yan! May mga naglilinis naman dito, eh."
Umiling ako. "Okay lang. Ilalagay ko lang sa iisang lugar para madali na lang hakutin mamaya."
Tumango siya at hindi na umapila. "Gusto kitang tulungan pero na-iihi na ako. Punta lang akong CR, ah?"
"Okay, hintayin na lang kita rito."
Nang natapos kong ligpitin ay umupo na ulit ako sa bleachers. I looked at Chase who's smiling widely at his fangirls. Ngumuso ako at tumingin kay Yohan na papalapit sa akin.
"Ba't mag-isa ka?" Umakyat siya sa pangatlong palapag at tumabi sa tabi ko.
"Leah's at comfort room," I answered. "Uwi na tayo?"
"Mamaya na, nag-aya sila sa Richard's, may celebration daw."
"And?" Tumaas ang kilay ko. "You want me to come?"
Ngumisi siya. "Syempre, hindi naman pwedeng wala ka ro'n."
"Mag-gagabi na, Yohan, hindi ako papayagan ni mommy."
"Tara na!" Napatingin ako kay Chase na nandito na pala sa harapan naming dalawa.
Bakit nandito siya? Iniwanan niya 'yung mga fans niya roon?
"Why are you here, Chase? Nando'n 'yung mga fans mo, oh!" Sabay turo ko sa mga kumpol-kumpol na mga babae.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Masama ba kung nandito ako? Eh, nandito ka... I mean, kayo."
Inirapan ko siya at hinarap muli si Yohan na nakangisi sa aming dalawa. Mukhang gago, 'to.
"Yohan, you should try to convince my mom. Tutal ikaw naman 'yung nagpupumilit na sumama ako," sabi ko at binigay sa kanya ang cellphone ko.
Kinuha niya 'yung phone ko at nagsimulang mag-type doon. Humalakhak pa siya at binigay sa akin ang cellphone. Baka may sinabi na 'tong hindi maganda kay mommy.
Ako: Hello, Tita Beatriz, this is Yohan. Pwede po bang isama si Seah sa party? Nanalo po kasi kami sa game. I'll take her home at 8.
Napatingin din ako sa pahabol niyang text ulit.
Ako: Kung 'di niyo po siya papayagan, kay mommy po ako magpapaalam, hehe.
"You crackhead, Yohan!" Hinampas ko siya.
"Ano 'yung crackhead? Basag ulo?"
"Bobo," ani Chase.
Napatingin kaming lahat nang tumunog ang cellphone ko.
Mom: Okay. Just please make sure you'll take her home.
My eyes widened. Si Yohan ay tumalon sa tuwa habang si Chase ay nakangisi lang. I will gonna thank Yohan for this! This is once in a blue moon to happen; mom never allow me to go party in the night.
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceSeah Louise Venicia never had the freedom to love. All she experienced was working hard for her goals and most importantly, her future. Until one day, it got worse, her life became miserable when she encountered a disease. Instead of hoping that she...
