Chapter 3

13 2 11
                                    

Chapter 3

Battle

Unti-onti kong minulat ang mga mata ko. Where am I? Sa pagkaka-alam ko ay nasa studio ako kanina.

I suddenly remember what happened to me earlier. Hindi ko pa rin mawari kung bakit nangyari iyon sa akin kanina, kung bakit ako biglang nahilo at manlabo ang paningin ko. Something is wrong, I can feel it. Hindi ako sigurado kung dahil lang ito sa stress sapagkat hindi naman ito nangyayari sa akin dati.

Unang naaninag ko ang kulay puting kisame. I'm sure, I am here at the hospital. Narinig ko rin sa paligid ko ang mga maliliit na boses. I'm so worried to mom's reaction. Ano kaya ang naging reaksyon ni mommy nang malaman ang nangyari sa akin?

"Seah," I heard her voice.

Naramdaman kong inalalayan niya akong sumandal. Ramdam ko rin ang bakas ng lungkot at pag-alala sa mukha ni mommy. I roamed my eyes in the whole room. I stopped when I saw a familiar person— my dad.

Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. Bumuhos ang luha ko. It's been a month since the last time we faced each other. Sa buong buhay ko, hindi ko hinangad na mawala sa paningin at tabi ko ang mga taong mahahalaga sa akin. Tanging ito lang talaga ang sumira sa isa sa mga pangarap ko, ang hindi kami makumpleto hanggang sa huli.

I missed him so much. I missed my dad every single time. Araw-araw kong nare-realize na sana ay sinulit na namin ang mga panahong kumpleto pa kami, ang masayang pamilya namin. Kaso, wala namang may gusto sa nangyaring trahedya na 'to.

"I missed you, dad," I said. 

"I missed you too, Seah." Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa akin.

Alam kong siya ang gumawa nito, si mommy. Alam kong siya ang nagsabi kay daddy kung ano ang kalagayan ko kanina. And I'm so thankful to her, finally the family I've wanted is now complete again.

Sana palagi na lang kaming ganito. Sana palagi na lang ulit kami kumpleto... Kahit alam ko sa sarili ko na sobrang imposible nang mabalik pa sa dati ang lahat.

I glanced at mom. She's just looking at us. Nakita kong pinunasan niya ang luhang umagos sa kanang mata niya. Ngumiti ako. It is representing happiness.

"Thank you, mom," ngumiti ako kay mommy.

Sinuklian niya ang ngiti ko sa kanya. I know she's uncomfortable because dad is here, kasi naaalala niya pa rin 'yung nangyari dati pero alam kong masaya siya ngayon dahil nagkasama ulit kami.

Natigil kami nang may pumasok sa pintuan. Lumapit sa akin ang isang lalaking doctor.

"How are you feeling, Seah?" he asked.

I smiled. "I'm very well, doc."

"To your case, ilang araw mo ng nararamdaman 'yan?"

Kinabahan ako sa paninitig ni mommy sa akin. Alam kong yari ako sa kanya kapag sinabi kong kaninang umaga pa.

"Actually, it is not days. Kaninang umaga ko lang po 'to naramdaman, and I must say it lasted within a minute." 

I saw him nodded. "Tomorrow is your schedule for the MRI scan, para masigurado na rin natin kung ano ba talaga 'yung kaso mo. So now, all you need to do is to take a rest."

"Thank you, Doc. Kaiser," sabi ni mommy.

Napabuntong-hininga ako. I wondered if my case is horrible. Hindi naman siguro ito malala, diba? Sana simpleng sakit ng ulo lang ang nangyari sa akin.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon