Chapter 22

12 0 0
                                    

Chapter 22

Enchanted

“Seah, kumain ka na ba ng breakfast?” Mom asked.

Nasa loob ako ng kwarto at nagbabasa ng inspirational journals. It’s been two weeks since I left Alestria and Chase. Simula noong nagkaroon kami ng pag-aaway ni Yohan, mas lalo akong kinakabahan sa tuwing dumadaan ang mga araw. Sinabi niya na hahanap daw siya ng paraan para magka-usap kami ni Chase but even until now, hindi pa rin kami nagkaka-usap.


Tomorrow is my birthday and the day that I will leave the Philippines. Mahirap pero kakayanin. I just need to trust the process kahit mahirap at masakit sa kalooban ko. Alam kong may rason ang lahat ng ‘to, I know that my future will be good enough for me to keep fighting this pain.


Pinagbawalan ako ni Mommy na gumamit ng cellphone. My connections there was just lost in one snap. Wala akong magawa rito sa bahay kundi magbasa nang magbasa ng libro. Nakakasawa. Pero wala naman akong choice, ‘di ba? Na-stuck ako rito, eh, ano pa bang magagawa ko?

“Yes, Mom!” sagot ko na sana marinig niya kahit nasa labas siya.


She knocked and opened my door. “What did you say?”

I rolled my eyes. “Yes, I ate na.”

“Okay.” Tumango siya. “Your Dad will not be able to come here today, mayroon daw siyang bagong client.”

“Really?” It made me sad. “Sige, it’s fine, Mom. Tell it to Dad, baka akalain na naman na nagtatampo ako.”

Hindi ako iniiwanan na mag-isa rito sa bahay. Baka raw mamaya kung ano na ang mangyari sa akin kung wala akong kasama. They are afraid and I’m aware of that. Kung may trabaho si Mommy, Manang will be here. Kapag naman uuwi si Manang sa kanila, Dad will take a leave para lamang mabantayan ako.


I’m so lucky to have them on my side… Kaso nga lang may kulang, parang hindi pa rin sapat kung wala siya sa tabi ko.


“Uuwi rin si Manang sa kanila ngayon, wala raw magbabantay sa apo niya, Seah.”


I sighed. “I think I’ll be fine here, Mom.”

“Alone?” tanong niya na tinanguan ko. “No way.”

“Sino naman sasama sa akin dito, Mom?” Kung malapit lang Alestria
rito, sinundo ko na si Chase, eh.


She called someone on the phone. Sino naman ‘tong tinatawagan niya?


She picked her purse. “Magbihis ka na, isasama kita sa company.”


“Mom, what?” Sinara niya agad ‘yung pinto para hindi na ako magreklamo pa.


I groaned. Fuck this life. Hindi nga ako lumalabas ng bahay simula noong nakabalik kami sa Manila. Ewan ko ba, wala ako sa mood parati. Ni-hindi ko na nga natatanong sarili ko kung okay lang ba ako o sanay lang akong magkunwari.


Padabog akong pumunta sa closet ko. Wala akong mapiling damit na susuotin kaya nag-hoodie na lang ako at jogger pants. After that, bumaba ako sa garage and saw Mom who’s waiting for me in the car.


“Nasaan si Kuya Phillip?” aniko nang mapansin na si Mommy ang magda-drive.


“Nag-leave din. Birthday daw ng anak niya,” she said and started to drive.


Tumango ako. Great. Everyone’s on leave today.



I opened the window when I saw the buildings, lights, and crowd. I really missed Manila. Nagsisisi tuloy ako na magmukmok lang sa bahay at hindi namasyal nang dalawang linggo. Nalungkot na naman tuloy ako nang ma-realize na aalis na pala talaga kami bukas. Kailan kami magkikita ni Chase? I’m afraid if we will not see each other before I leave kasi alam ko na matatagalan kami roon. He might change in the future, hindi ko alam kung sa pagdating ko rito sa susunod na mga taon, sa akin pa rin siya uuwi.


Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon