Chapter 17

5 0 0
                                    

Chapter 17

Meet

"P-po?" sabi ni Chase.

Ako ay hindi pa rin makaproseso sa nangyari. Mr. Ocampo wants Chase to tutor me. As in Chase, my suitor. I mean, I can study harder but I think the tutoring thing is kinda exaggerating. I can handle my own problems and not let any people deal with it.

"Sir, is that necessary? I mean, I should deal it on my own," I said.

Umiling siya. "Hindi naman, it's just my suggestion. But I'm warning you, Seah, your grade is in danger. Kailangan mong maipasa ang exam kanina para pumasa ka ngayong first semester."

Nagpasalamat ako at nagpaalam na. Parang may sinabi pa si Mr. Ocampo kay Chase ngunit hindi ko na narinig iyon dahil nauna na akong lumabas ng faculty room.

Medyo nahihiya na nga rin ako kay Chase dahil napag-utusan pa siyang turuan ako. Oh god, it's so embarrassing because I had a low grade at narinig niya iyon. He wasn't supposed to hear those things dahil baka ma-bad shot siya sa akin.

"Seah," tawag ni Chase kaya lumingon ako sa likuran at nakita ko siyang tumatakbo.

"Yes?" saad ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Tatanggapin mo?"

Yumuko ako habang naglalakad. "I don't know."

"Tinanong ko si sir, sabi niya pup'wede raw kitang i-tutor kapag uwian ng hapon. Kung gusto mo sa bahay niyo na lang o 'di kaya sa amin na lang," aniya.

"At Seah—" Napatigil siya nang mabunggo ako sa puno.

"Ouch!"

"Ayos ka lang ba?" ani Chase habang tinitingnan ang hawak-hawak kong noo. "Bakit ka ba kasi nakayukong naglalakad?"

"N-nahihiya ako sa 'yo."

Kumunot ang noo niya. "Huh? Bakit?"

I sighed. "Look, mahina ako sa subject na matalino ka. I have pretty low grade and he even suggested that I should be tutored by you para lang pumasa ako!"

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako.

"You must be laughing at me right now. Pinagsisisihan mo sigurong niligawan mo ako dahil isa akong bobo. Siguro iniisip mo ngayon na maghahanap ka na lang ng bago mong liligawan—" Natigilan ako sa pagsasalita nang yakapin niya ako.

"'Wag mong sabihing bobo ka, Seah. Wala akong pinagsisisihan ngayon. Wala akong itensyong tumawa. Wala akong karapatang maghanap ng iba. Kahit may mga bagay ka na hindi mo alam, ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Natigilan ako bigla sa sinabi ni Chase. Halos isipin ko na ikakahiya niya ako ngunit kabaliktaran pala ang kaniyang isasagot. He's truly a man.

"Please, don't be insecure by the other people. May angkin kang galing at naniniwala ako doon. Hindi ko pinaparamdam sa 'yo na gano'ng klase kang tao kaya huwag mong panghinaan ang sarili mo," aniya.

Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa mga sinasabi niyang salita sa akin. Not because of the sudden doubt but for the appreciation. Kahit ganito ang tingin ko sa sarili ko, na mahina ako, na hindi ako magaling sa lahat ng bagay, na hindi ko kayang pakisamahan ang lahat, nandiyan pa rin siya sa akin. Chase is there for me all the time. He's prioritizing me first before his self.

Iniharap niya ang mukha ko at pinunasan ang aking luha gamit ang dalawang kamay niya. "Ikaw ang perpektong tao sa paningin ko, Seah."

Nanatili kami sa gano'ng posisyon hanggang sa kumalma ako. I'm comfortable whenever I'm with him. Bumitaw ako ng yakap kay Chase nang tumunog ang cellphone ko.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon