Chapter 1
Friend
"Seah!"
I walked immediately when mom shouted my name. Dali-dali kong sinuot ang aking itim na sapatos at ang aking backpack. Nang bumaba ako ng hagdan ay natanaw ko sina mommy at daddy na kumakain sa hapag. Umupo ako sa tabi ni daddy at sinaluhan sila.
"Good morning, mom. Good morning, dad!" I said.
Nakita ko silang ngumiti parehas. "Good morning din, Seah. Excited ka na talaga mag-school, 'no?"
Maligaya akong ngumiti kahit punong puno nang ulam at kanin ang bibig ko.
"Yes, dad! Should I bring my toys at school?"
"Okay, but remember to bring it out only if the teacher approves, alright?"
I nodded. Nang tawagin ako ni mommy ay nagpaalam na ako kay daddy na papasok na sa kanyang trabaho. My dad is a lawyer, he is my role model ever since. Bumaba ako sa kotse namin nang makarating kami sa paaralan. Sa labas pa lamang nito ay makikita mo na ang palaruan na may malaking slides at swings.
"Mom!" sabi ko kay mommy nang may ngisi sa labi, "can I?"
Aamba akong uupo sa swing nang biglang hatakin ako ni mommy palayo roon. Ngumuso ako at humalukipkip. Oh, I just remember that I am here at school, not on the playground.
"Why are they crying, mommy?" kunot-noo kong tanong nang makita ang ibang batang umiiyak at ayaw paalisin ang magulang nila.
"Dahil gusto nilang 'wag umalis 'yung mga taong gusto nila."
"Gano'n ba 'yon, mommy? But, you need to let them go and make yourself independent, right?"
Napangiti si mommy sa sinabi ko. Mom taught me that word. Sabi niya, hindi naman daw sa lahat ng oras kailangan mong may umaalalay sa iyo, kailangan mong tumayo sa sarili mong paa hangga't bata ka pa, and that's the thing I've learning since the day mommy said that to me.
"Your class is starting na, Seah. I have to go na, ah? Enjoy your first day in second grade!"
Nagpaalam ako kay mommy at pumasok na sa aming classroom. I seated in front, facing the blackboard. Nakita kong umupo sa tabi ko ang isang babaeng kulot at maputi. Her eyes are puffy because of the tears she's crying out earlier.
"Hi, I'm Seah, what about you?" I said smiling to her.
Nahihiya siyang tumingin sa akin. Patago akong ngumisi. Please, don't be so shy to me... I won't bite.
"I-I'm Ava." Umiwas siya ng tingin.
"Nice meeting you... Let's play later, alright? Don't be so sad, you will meet your parents later."
She smiled. Tumayo kami upang batiin ang aming teacher. Lumipas ang mga oras at natapos ang klase namin. I've learned so much in our lesson, nagkulay at naglaro rin kami. Naging masayahin din si Ava at hindi na inalala 'yung pag-iwan sa kanya ng parents niya kanina.
"Seah, halika rito! Dito tayo sa swings!" sigaw ni Ava sa'kin.
Tumango ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa kabilang swing na katapat 'yung inuupuan niya. Kanina pa ako naghihintay kay mommy at hindi pa rin siya dumarating. Even our driver isn't picking me up. Kung mayroon lang akong cellphone ay kanina ko pa tinawagan si mommy.
"Ano, Seah? Wala pa rin sundo mo?" she asked.
I nodded. "Yes, hindi ko alam kung bakit. Ikaw, nasa'n na sundo mo?"
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceSeah Louise Venicia never had the freedom to love. All she experienced was working hard for her goals and most importantly, her future. Until one day, it got worse, her life became miserable when she encountered a disease. Instead of hoping that she...
