Chapter 19

4 0 0
                                    

Chapter 19

Alam na

"Seah..."

Bumitaw ako sa halikan namin. I initiated the first kiss and it felt so awkward now! Kanina lang ay nagmamatapang ako.


Bigla akong nahiya sa sarili. "S-sorry, Chase... was that wrong?"


Wala pa akong nagiging boyfriend, siya pa lamang. Bukod sa ayaw at mahigpit si Mommy sa mga lalaking umaaligid sa akin, Daddy also set my standard so high. Kaka-onti lamang ang mga nagiging crush ko, bilang lang at mapili rin ako pagdating sa nagugustuhan.


I want men with principles. I don't care about looks nor status. Wala akong pakealam kung mayaman ang isang tao o mahirap. I want the personality. I want someone that is willing to wait for me.


"Hindi, Seah. Nagulat lang ako dahil ikaw ang unang humalik sa akin," he said.

"That was my first kiss, I'm sorry."


"That was my first, too."


Nagulat ako sa kaniyang sinabi. That's impossible! Am I his first girlfriend? Hindi pa ba siya nagkaka-girlfriend kailanman?


"R-really? Hindi mo pa ba nagawa sa mga ex mo noon?" nahihiya kong sinabi.


He chuckled. "Wala akong ex, Seah. Ikaw lamang ang una kong minahal at ikaw lang hanggang sa huli."

Namula ako sa kaniyang sinabi. Ngayon ko nga lang ulit na-realized na nandito pala kami sa amin. Hindi ko nga namalayan sapagkat abala kami sa pag-uusap.

"Pumasok ka na sa loob niyo, Seah, lumalamig na at baka magkasipon ka pa."

Tumango ako at ngumiti. "Well then, see you sa Sunday. Goodluck."

May laro kasi sila sa Sunday. Championship iyon ng liga sa aming baranggay, makakalaban nila sina Owen. Alas singko ng hapon ang simula at alam kong gagabihin iyon. Wala naman si Mommy kaya kay Manang na lamang ako magpapaalam. I know that she will agree to me all the time. Alam niya kasi ang pakiramdam ko simula pa noong bata ako. Manang would be there everytime when Mommy was not in my side.

Hinalikan niya ang noo ko. "Ite-text kita kapag nakarating ako sa bahay. Kumain ka na ng hapunan, ah? Goodnight."

Kumaway ako sa kaniya at tumalikod upang maglakad papasok ng aming bahay. Alam kong nandiyan pa siya at naghihintay na makapasok ako sa loob.


So this is the feeling when you love someone. I've always wanted this kind of love. I've always dream about this. I've always looked for some certain of people that will love me just like how I love my parents. Things were worst back then until he came... My Chase, the one who save me from my tears, pain, and hardship. I love him more than my own life. I hope someday, people will learn to accept us.


"Kayo na? Omg! Omg!" bungad agad na sabi sa akin ni Leah kina-umagahan.


"Gago sabi na, eh! 'Yung tropa ko kagabi pa masaya habang nagkukwentuhan kami sa magaganap na laro sa Linggo," ani Yohan.


"Paano mo sinagot? Mag-kwento ka, dali!"


Alas-otso pa lang ng umaga at eto sina Yohan, dumiretso agad sa kwarto ko upang gisingin ako. Ni-hindi pa nga ako nagtotooth-brush, nagmamarites agad sila! Wala tuloy akong nagawa kundi sabihin sa kanila na kami na ni Chase.


"Mamaya na, okay? Maliligo muna 'ko!" sabat ko.


"Ay, pabitin naman! Sige na, please, Seah! Maganda ka naman kahit hindi ka maligo!" Nag-puppy eyes sa 'kin si Leah.


Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon