Chapter 12

6 1 0
                                    

Chapter 12

Wala akong karapatan

Pinanood kong umalis ang sasakyan ni Yohan na minamaneho ni Chase bago ako pumasok sa loob ng bahay namin. I don't know how Chase learned driving a car— I mean, maybe he took a driving lesson? Or probably his friends taught him.

Agad na bumungad sa akin si mommy na abalang nagta-type sa kanyang laptop. I went to our sofa to greet her.

"Hi, mom... Busy?" My brows raised.

Tumingin siya sa akin. "Yes, our business is getting large sales these days. How's the party?"

Tinanggal ko ang sapatos ko at pinalitan ito ng fluffy slippers. Nilagay ko rin sa coffee table ang purse ko.

"It's fun," aniko. "I had fun. Thank you, mom for letting me enjoy this night."

Tipid siyang ngumiti at binaling ulit ang tingin niya sa laptop. Well, I'm proud admitting I enjoyed this night. It was once in a blue moon to happen. I rarely spend my time with friends. I had to make an explanation or a very important reason of why should I join this party... this event... this gathering. Hindi ko talaga alam kung bakit. Madalas kong tinatanong 'to sa sarili ko kung bakit 'yung mismong nanay ko ay hinahadlangan ako ng kalayaan.

Nevertheless, if I chose my dad to live with him in the first place, would I do the things that I want?

But I know that is a selfish decision. Kahit alam ko sa sarili ko na mag-isa si daddy sa Manila ngayon ay busy siya sa trabaho at mukhang wala na ring nakalaan na oras sa mga bagay na gusto niyang gawin. I promise mom to be in her side and I'm not willing to break that. 

Kahit alam ko sa sarili ko na limitado lahat ng gusto kong gawin, still I want to be in this side... where I found him...

Chase.

"Where's Yohan, though?" tanong niya. "You should persuade him to eat dinner here. Nakakahiya sa tao, hinatid ka pa."

"U-Uhm, he left immediately, nagmamadali."

Matagal siyang tumingin sa akin bago tumango. Nagpa-alam na rin akong matutulog na sa itaas dahil masyado akong pagod ngayong araw na ito. Habang nakatingin ako sa blankong papel na tina-type ko sa aking laptop ay hindi ako mapakali kaka-isip kung nakita ba kami ni mommy na magkasama ni Chase kanina. It's impossible, right? She was busy with her laptop earlier.

Kinabukasan ay nagising ako sa kalabog ng pintuan. What the freaking hell.

"Mom? Anything you want?"

"Hoy! Tanghali na, may swimming pa tayo, Seah Louise!" sigaw ni Yohan sa labas.

What the heck?!

"Huh? Anong ginagawa mo rito, Yohan?" sigaw ko pabalik.

"Pumunta lang naman ako rito para ipaalala sa 'yo na may swimming tayo, mahal na prinsesa."

Yeah, right. Sabado nga pala ngayon at nagyaya silang mag-swimming sa bahay nitong pinsan ko. Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba ako at naabutan na nag-uusap sina mommy at Yohan. 

"Mom, can I go?" tanong ko.

Tumango siya. "Yes, you can. May pupuntahan din kasi kami ni Tita Bernadette mo."

"Really?" My eyes widened. "Thanks!"

Yohan leaned towards my right ear and whispered something. "Sabi sa 'yo, eh, lakas ko sa mommy mo, 'no?"

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon