Chapter 23
Back
"Seah, naka-ayos na 'yung gamit mo?" Mom asked.
Tumango ako sa kaniya. I packed everything and I'm ready to go back home. Finally, after almost five years staying here at the United States, makaka-uwi na rin ako sa tunay kong tirahan. I miss the vibe in the Philippines— the food, the weather, and... him.
I still remember the past. Araw-araw akong binabangungot ng nakaraan. I cannot believe that my Mom could be that cruel. I also cannot believe that my Dad was a playboy. Everything in my life seemed to be a lie. Sa dalawangpu't-apat kong pananatili rito sa mundo, namulat agad ako sa realidad. Simula noong bata pa 'ko, araw-araw kong nadidiskubre 'yung pag-aaway ng magulang ko. Now that I finally know the truth, para akong pinagsamantalahan... binuhay nila ako sa kasinungalingan.
And him... my Chase. I really begged my parents, especially my Mom. Dumating ako sa point na ayaw ko ng magpagamot pa. Pinilit ko si Mommy na sa Pilipinas na lang ako operahan kasi ayaw kong mawalay kay Chase ngunit wala... pilit pa rin akong nilayo ng tadhana sa kaniya. Sa loob ng isang oras na pinagkaloob sa amin ni Mommy, walang-sawa akong nagsasabi kay Chase na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
The nurses and the doctors cannot imagine how they will handle me that day. Nagwala ako noong nilayo nila si Chase sa akin. I cried hard. I begged, multiple times. Mahal na mahal ko si Chase na kahit sarili ko kaya kong ubusin 'wag lamang siyang mawala sa akin.
"Seah, tama na!" Mom shouted.
"Mom, please! Dito na lang ako! 'Wag na tayong tumuloy sa States bukas!" I hysterically said.
"Calm down, Seah. This is not good for you," sambit ng isang doctor.
"Hindi talaga nakakabuti sa akin ang lahat ng 'to, doc. I'm really tired. I want to go home already." Tumayo ako. "S-Si Chase, siya ang tahanan k-ko."
"Seah, please..." Si Yohan na ang umalalay sa akin. "Malulungkot si Chase kapag nalaman niya ang lahat ng 'to. He also wants you to stay, alright? Pero kailangan mong umalis para gumaling ka... You'll be fine there. Sisiguraduhin kong magiging maayos si Chase dito, okay?"
"No... Hindi niyo ako maintindihan! I n-need Chase right now! R-right n-now..." Unti-unting humina ang boses ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
"Hey, Seah." Someone tapped my shoulders.
Minulat ko ang aking mga mata. I saw a man that's wiping my face.
"C-chase?" I called him.
Kumunot ang noo niya. "You are crying, Seah. Are you alright?"
Kinusot ko ang aking mga mata at naliwanagan sa nakita. Mahina kong tinabig ang kaniyang kamay na nasa mukha ko pa rin.
"I'm not, Blaze. I was dreaming."
"You sure?" he asked. "You were calling a name... you kept saying Chase."
"I do?" patay-malisya kong sinabi.
He nodded. "Yes. Who's that?"
"Malapit na ba tayong mag-land?" I changed the topic.
"Oo, malapit na. Nagugutom ka ba?" I nodded.
Umiling ako. "Hindi pa naman. Pagka-land na lang natin, doon tayo kumain."
Tumango siya at ngumiti sa akin. "Alright, Seah. Matulog ka ulit, gigisingin na lang kita kapag malapit ng mag-land."
Ngumiti ako sa kaniya. Blaze has been a good friend to me. Marami akong utang na loob sa kaniya. He was there for me during and after my operation in the US. He was also there in my recovery period, lahat ng paghihirap ko noong may sakit ako ay nandoon siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/265039066-288-k287558.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceSeah Louise Venicia never had the freedom to love. All she experienced was working hard for her goals and most importantly, her future. Until one day, it got worse, her life became miserable when she encountered a disease. Instead of hoping that she...