Chapter 26

2 0 0
                                    

Chapter 26

Luha

"Ava!" Niyakap ko siya nang mahigpit. "How have you been? Ang tagal nating hindi nagkita!"


She giggled. "Things got well naman sa Canada... Ikaw? How have you been? Bumalik ka sa pagmo-modeling?"


Tumango ako. "Yup, my brain tumor came back five years ago, last week lang ako bumalik dito."


Nagulat siya sa sinabi ko. "For real?! What the fuck, Seah, that's a rare case! Ano nang sabi ng doctor ngayon? Ano mga gagawin mo para hindi na bumalik 'yan?" sunod-sunod niyang sinabi.


Tumawa ako ng malakas. Napaka-OA talaga ng babaeng 'to! Ava's really back, she was my first friend that I treasure the most. I'm so happy that the destiny lead us again today kagaya nga ng sinabi namin noong mga bata pa kami— That maybe there's a future that holds our pace in life.


"It won't come back again, Ava, stop over-reacting! What are you doing here anyway, magmo-model ka rin ba?" tanong ko.


"No, the heck!" Inirapan niya 'ko. "I'm an architect, naka-assign ako rito to design the renovation of this studio. Ang pogi nga ng head engineer, I he's single."


"Reto kita, bagay kayo no'n." she added. 


Inirapan ko siya at tumawa siya nang malakas. We still have the same vibes, kilalang-kilala pa rin namin ang isa't isa. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa buhay naming dalawa; Ava said that the reason why they moved in Canada was her dad. Her dad was a part of an illegal transaction of guns here in the Philippines at nagka-issue raw iyon so they moved sa Canada. Ayaw niyang i-kwento sa akin nang buo dahil part daw iyon ng mafia organization at mapanganib. Now, Ava's dad is serving in jail for his crimes.



"Ms. Venicia?" Lumapit sa amin ang lalaking nakasalamin. "Pinapatawag na po kayo, mag-start na raw po ang photoshoot."


Ngumiti ako sa lalaki. "Okay po. Susunod na lang ako."


"I'll meet you later, Seah, we need many catch-ups to talk to. Galingan mo, ah? I'll see you around," ani Ava.


Niyakap ko siya. "You too, archi. So glad I found you now."


Nagpaalam kami sa isa't isa bago siya umalis papunta sa site na nasa kabilang daan lang. That studio that is being renovated is actually the main studio, pinapalaki lang nila iyon for the big event that will happen this year. Pumunta ako sa photo area ng studio at nakita si Mommy Ellie roon kausap ang isang matangkad at maputi na babae.


I approached them. I glanced over to the woman at nagulat ako nang malaman kung sino iyon.


"Seah, I would like you to meet Steph Giovanna Garcia, kasama mo siyang mag-eendorse sa magazine," sabi ni Mommy Ellie.


She smiled at me and handed me a hand. Tinanggap ko iyon at pinigilan ang sarili na humiyaw. I'm a fan of her! She's a retired model and a CEO now, marami siyang billboard noon na nakapaskil sa mga building dito sa Manila.



"I'm Seah Louise Venicia, it's so nice to meet you, Ms. Steph, I'm a fan! Are you finally back now?" sambit ko.


She laughed elegantly. "No. Actually napilitan lang ako kasi kinukulit nila 'ko, and I heard this magazine is high-end... Let's do a great job!"



Nagpunta ako sa dressing room na naka-assign sa akin. Hindi lamang si Ms. Steph ang makakasama ko rito at mayroon pang mga sikat na models. We will be endorsing a latest release brand na magiging cover nitong magazine. I think it will actually be a high-end dahil sa mga sikat na models, hindi ko alam kung bakit napasama ako rito ngayong kababalik ko lang. I'm wearing a gray denim jacket; underneath of that is the black push-up bra and a bikini short. Ako ang mag-eendorse ng underwear apparel ng brand na iyon.



Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon