Chapter 16

4 1 0
                                    

Chapter 16

Friendly tutor

Kasalukuyan akong nakatingin kay Chase habang pinapanood niya ang fireworks. Gulat pa rin ako sa kaniyang sinabi. I was too stunned to speak. He was the first ever man who made my heart beat that fast. May mga gumagalaw din sa tiyan ko na nakakakiliti, hindi ko maintindihan kung bakit. Nanghihina ang aking tuhod at buti na lang ay naka-upo ako, kung hindi ay kanina pa ako napa-upo rito.

Alam ko ang isasagot sa kaniya. Alam na alam ng puso ko iyon at ayaw kong tumanggi at tumakbo sa nararamdaman. But I am worried for people’s thoughts. I am worried for their opinion, and badly scared for my Mother’s words. Tinatak niya sa isipan ko na bawal tumanggap ng mamahalin. Bawal tumanggi dapat sa kaniyang sasabihin. I was controlled back then and nowhere to go. Pero hindi ko kayang kalabanin ang puso ko. Hinding-hindi ko kayang tumakbo sa taong gusto ko.

I admit that I was infatuated by some boys in high school. Pero hanggang doon na lang iyon. I’m imagining things while looking at them afar, day dreaming that someday I could reach their hands in public, I could spend my time with them shopping and traveling, legally, I could kiss and hug them everytime. Pero may humahadlang at pilit akong inilalayo.

Muli akong tumingin kay Chase. This time, sarili ko naman ang papakinggan ko. I would never run again just like the old times. Paninindigan kita, Chase.

“Yes, Chase,” I said.

Lumingon siya sa akin. Nalilito sa aking sinabi. “Hmmm?”

“I said yes. Ligawan mo ako.”

His eyes widened. “‘Di nga, Seah?”

Tumawa ako. “Ayaw mo ba?”

“S’yempre, gusto ko!” aniya. “Shit. I feel like, nanalo na ‘ko kahit hindi pa championship.”

Tumawa ulit ako sa kaniya. “You said ‘crush’ means ‘kaibigan’! You were lying that time!”

“Bakit? Alam mo na totoong meaning?” He chuckled.

Inirapan ko siya. “Hell, yes! Sinabi ko kay Leah, she said gusto mo raw ‘yung taong ‘yon kapag crush mo. Tsk, Chase, hindi ko alam kung niloloko ako ni Leah that time, eh.”

“Sorry. Torpe ako, eh,” sabi niya at kinamot ang batok niya.

Hay. Sagutin ko na kaya ‘to?

Damn it, Seah, wala pa yatang five minutes!

We both discussed things before deciding to go home. Pinag-uusapan din namin ang fireworks display na naganap kanina. Sabi ng iba, birthday daw ng Mayor dito sa Alestria. Lagpas 7 pm na at mukhang mapapagalitan ako dahil hindi ko sinunod ang curfew na binigay. Ano kaya ang idadahilan ko?

“Seah, hindi naman siguro ako susugurin ng tatay mo, ‘no?” kabadong sinabi ni Chase habang nasa tricycle kami.

Malakas akong tumawa sa kaniya. Aww, my Chase looks scared.

“I’ll call him later. Ikukwento kita. Hindi naman magagalit iyon, Chase, he’s open-minded,” I assured him.

“‘Yung Mommy mo?” aniya na nagpatigil sa akin.

“She’s strict... pero maiintindihan naman siguro niya.”

Nagkuwentuhan pa kami at ‘di ko namalayang nakarating na pala ako sa amin. Tanaw ko ang malaking bahay hindi kalayuan at bukas pa ang mga ilaw sa garden.

“I-text mo ako, okay?” he said while I’m getting off.

Tumango ako. “Okay.”

“Goodnight.” He smiled.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon