Chapter 9

7 1 0
                                    

Chapter 9

Pamilyar

Hindi nga nagbibiro si Leah nang sabihin niyang mayroong part-time job si Chase rito sa Richard's. Kagaya nang sinabi ni Chase kanina, tatawagin na lang namin siya tuwing hindi namin alam ang tanong. But what the hell! Halos lahat yata nang tanong dito sa project naming lima ay siya ang sumasagot! Mabuti na lang at kasama namin siya at sobrang suwerte namin dahil hindi ito individual activity.

"Ano ba 'tong question na 'to?" Napa-kamot ng ulo si Yohan. "Ayaw ko na! Nai-stress ako sa subject na 'yan!"

Binatukan siya ni Quen. "Gago, ang arte mo! Wala pa nga tayo sa kalahati."

"If math was a person, everyone will hate her," I sighed.

"Pero, mamahalin ko siya."

Napatingin ako sa nagsalita. Napa-irap ako sa kawalan nang si Chase iyon. May dala-dala siyang red velvet cake at may frappe pa. Uminom agad ako sa frappe nang binigay niya iyon sa akin.

"Madali lang naman kung iintindihin niyo, ah," he added.

Tsk, go to your math, then.

Tinapik ni Yohan ang balikat ni Chase. "'Tol, hindi naman kami katulad mo, eh. At saka, alam kong nagmana ka sa papa mo."

"What do you mean, Yohan?" I asked.

"Ganito kasi 'yan, Seah." Umayos pa ng upo si Yohan. "Ayan kasing si Claude, pinanganak na sobrang talino. Gwapo rin, 'di ba? Pero mas gwapo ako," ngumiti siya. 

"Kilala kasi 'yung papa niya na teacher sa mathematics, kaya ayang si Claude, sinalo lahat ng kakayahan ng papa niya... Kaso, hindi man lang nag-share, ang damot," sumimangot siya.

"Noong umulan siguro ng katalinuhan, sinalo lahat niyang si Claude," sambit ni Quen.

"Oo, tapos ako, nag-do-donate ng kagwapuhan," sagot ni Yohan.

"Tigilan niyo na nga 'yan, ang corny niyo," ngumiwi si Leah.

Ngumuso ako. Wow, ang tikas siguro ng pinagdadaluyan ng dugo ng pamilya ni Chase. Akalain mo, ang ganda ng lahi puro matatalino pero I don't know, baka siya lang ang biniyayaan ng katalinuhan at... kagwapuhan.

Kagwapuhan? What the heck, Seah?! Uh, but it's true, may itsura naman si Chase.

"Ano? Magku-kuwentuhan na lang ba tayo rito?" sambit ni Yohan. "Ayusin niyo, ah, nakasalalay grade ko rito."

"Kung sana bang tumulong ka, edi sana kanina pa tayo tapos! Kaso ang inaatupag mo, pagmamayabang na gwapo ka. Anong mapapala no'n sa ginagawa natin ngayon? Tataas ba ang marka mo kung gwapo ka?" utas sa kanya ni Chase.

Patago akong ngumisi. Gago rin pala ang isang 'to.

Naka-isang oras pa kami bago matapos lahat ng nakapaloob sa project naming lima. Kanina ko pa nga gustong umuwi dahil si Chase na lamang ang sumasagot ng natirang problems na hindi namin kayang i-solve kanina.

"Oh, sa'yo 'tong last problem na 'to!" Binigay sa kanya ang isang papel. "Huwag kang uuwi hangga't 'di mo natatapos sagutan 'yan!"

Napakamot ng ulo si Yohan. Humagikgik kaming tatlo nina Leah sa kanya.

"Nagbibiro lang naman ako kanina, ah!" sumigaw siya sa papalayong si Chase. "Ikaw na 'yung pinaka-gwapong nilalang sa mundo, Chase Claude Ocampo!"

"Alam ko!" sigaw sa kanya pabalik ni Chase.

Biniro-biro pa namin si Yohan. Umabot pa kami ng halos sampung minuto bago niya natapos ang problem solving na pinaubaya sa kanya ni Chase.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon